OFW MOM. (Sacrificing)

Yung tipong may anak ka, 7 months palang sya pero kailangan mo siyang iwanan para magtrabaho sa ibang bansa, para maibigay ang pangangailangan niya at buhayin siya. Ngayon palang na hindi pa ko umaalis para na Kong mababaliw kakaisip na matagal ulit bago ko siya mayakap. Pero kailangan magsakripisyo para sa future niya. Sana pag balik ko kilala pa ako ng anak ko, Sana kahit Wala ako sa tabi niya lumaki pa din syang mabuting Tao. Hayyysss ang bigat ng puso ko twing matutulog sa Gabi tapos tititigan ko sya. Mahal na Mahal ka ni mama anak. Sobra pa sa sobra. #1stimemom #theasianparentph #advicepls #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

My husband also experience that same sentiments. Mas mahirap lang talaga saten kase nanay tayo. Pero what i am doing now, everyday silang nagvivideocall ng daddy nya. Kaya naman si baby familiar at close pa din sa daddy nya. 6 months pa lang si baby nung umalis ang daddy nya ngayun mag 18 months na sya sa monday. Mabilis lang naman ang araw momsh. Maya maya tapos na ang contract mo at makakauwi ka na. Hugs mommy. Kaya mo yan. Para din naman kay baby kaya ka aalis

Magbasa pa
4y ago

Kaya ko nagpaiwan momsh kase mas kelangan ako dito ni baby. OFW din kame before ni hubby ko. Iba pa din ang alagang nanay kase. If kaya naman ni hubby mo na sya lang umalis mas mabuting kasama ka ni baby. Pero your decision pa din po.

saludo ako sa mga nanay na kayang iwan ang anak to work abroad. pero mas saludo ako sa mga nanay na kayang gawan ng paraan maitaguyod ang anak ng magkasama sila. hindi ito para ibash ka mommy ha im just saying my opinion. ๐Ÿ™

4y ago

no worries mommy. okay nga sana yan. kaso wala akong ibang aasahan. Hindi din ako tapos sa pag aaral at pandemic pa ngayon at mahirap humanap ng trabaho sa pilipinas, at kung meron man Alam Kong Hindi sasapat Ang sahod dito. pamasahe, kaltas ng mga tax, pagkain, Renta, may baby pa ako. sinosoportahan ko din ang magulang ko. maganda nga Sana Kung sama sama, kaso baka sama sama kaming mamatay sa gutom. pero mahirap talaga. Walang nanay na gustong mawalay sa anak. Kung may maganda Lang akong oportunidad bakit Hindi. mommy I hire mo nga ako ๐Ÿ˜ hehehe