may kapisan na magulang sa bahay

share ko lang mga momsh, wala kasi ako mahingahan kasi puro lalake ang kasama ko dito sa bahay at yung panganay ko na 4 y/o. buntis po ako ngayon, kabuwanan ko na next month. dati nagwowork po ako at naka leave lang ako dahil buntis ako. syempre iba po kapag may work, may sahod, may benepisyo na nakukuha galing sa company kagaya samen monthly nakakatanggap po ako ng bigas. so ngayon napatigil na. ang sakit lang na galing pa sa sariling magulang, at ilang beses ng sinabi ng tatay ko na kung family planning lang daw ay hindi kami magkakaganito, may bigas pa din monthly at hindi hirap sa gastusin. pero meron naman akong kuya na nagtatrabaho. ang gusto niya kasi kung ano yung nagagawa ko sa pamilya ko dapat nagagawa din ng asawa ko. sobrang hirap po pala kapag may kapisan na iba sa bahay. hindi talaga maiiwasan na pakialam. hindi pa po niya nasabi sa malumanay sa paraan, sadyang naririnig pa po ng kapitbahay. kaya hiyang hiya ako ngayon lumabas. hai ang hirap po. sasabihin pa na palagi ko daw pinapaburan ang asawa ko. takot na takot daw ako. syempre kami na po nakakaalam at nag uusap ng asawa ko sa mga desisyon. hindi ko ba maintindihan sa tatay ko. nakakasakit na po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap po talaga, kaya bumukod na lng kung kaya. Although mas magastos ang pagbukod (rent, etc.), that's the price of Peace of mind which is more valuable. Napakaswerte po ng mga mag-asawa na walang problema kahit may mga kapisan sa bahay. Pero for a lot of us, it's necessary talaga, kahit sarili pa nating pamilya.

Magbasa pa
12mo ago

paalisin mo mii. kung naguguilty ka ay pede sguro ikuha mo sila ng apartment. tapos sila na ang mag monthly. tulungan mo lang makakuha tapos hayaan mo na sila magsikap pra di sila mawalan ng tirahan. hindi maganda na ganon ang dinadanas mo when in fact dapat ay may peace of mind ka dahil nakapagready k naman pala pra sa sarili mong pamilya.