sharing my thoughts
Share ko lang mga momsh sitwasyon ko ngayon. Yung mga in-laws ko gustong gusto na ng apo. Susuportahan kami ng asawa ko sa gastos hangga't hindi pa nakakaalis asawa ko. Maselan po ang pagbubuntis ko kaya sa OB po kami nagppacheckup. Alam naman po natin na may pagka pricey kapag Private Hospital ka nanganak. Ngayon, inoobliga ako ng MIL ko na manganak ako sa LYING IN. Dahil sobrang mahal ng pinapa ready ng OB ko which is 100k. Kung kailan kabuwanan ko na saka nila ako pinapalipat which is panibagong Labs at Ultrasound nanman at isa pa kinakatakot ko ayoko manganak sa Lying in dahil hindi mo masabi kung may emergency. Ano po ba ggwin ko? Komportable na ako sa OB ko pro insisted Inlaws ko na mag Lying in ako. Haysss kung may pera lang ako hindi ako hihingi ng supporta saknila. :(
Ang sama ng lasa ng mga anonymous comments dito. Hinay hinay naman po buntis yang kinakausap niyo. Ng tatanong lang naman. Syempre sumama ang loob kasi pinapalipat sa lying-in kumbaga ng tatampo kasi expected mo private ka papaanakin. Put yourself in her shoes para maintindihan niyo. Lakas makapag sabi ng ewan pero naka anony naman. Sa'yo sender, nakakatakot tlaaga manganak sa lying lalo nat ftm. Saka hindi advisable dyan manganak pg ftm ka. Yan sabi saken ng midwife ko at ni philhealth na rin. Try niyo nalang po public pero sabi nila mahirap sa public di ka naalagaan. Dun naman sa labs and UTZ pwedeng hingin yung record mo sa ob mo para di ka na uuulet if ever lilipat ka. Yung midwife ko ng suggest saken mg public kasi baka ma cs ako and ang mahal pg nasa private Eh sa ayaw ko ma cs and since sabi nila na bawal mg inarte sa public pinush ko yumg private and yun nga... May complication. Ng bleeding ako dahil malaki si lo. Kung hindi gumana yung pampatigil ng dugo either operahan ako para tanggalin ovary ko or mamamatay ako. 18-25k budget Davao rate yan to 50k total bill kasi Complications. Sa 100k na sinabi ni ob, normal lang yan no complications. Kung may complications, baka aabot yan ng 200k mukhang luzon rate ata yan. .... Nasa sa'yo na. Kung lying in ka nga.. Mg hanap ka na ngaun ng magandang feedback na lying in. Saka malapit sa ospital para if ever may complications na di kaya ng midwife eh malapit lng yung paglipatan mo Good luck momsh
Magbasa paAlam mo mommy, pwede ka pa naman lumipat ng ospital try mo sa public hospital konti lang gastos mo lalot may philhealth ka. Baka kasi wala sila ganon kalaking pera. Dapat intindihin mo din, otherwise dapat nag ipon kayo ng asawa mo hindi na nga kayo dapat naka depende sa kanila e kasi may sarili na kayong pamilya magpasalamat ka na lang sa kung ano kaya nilang ibigay. Pwede kapa naman lumipat ng OB iexplain mo lang na wala talaga ganon kalaki pera, maiintindihan naman un kesa dun ka nga manganganak tapos ending mahihirapan kayo humanap ng pera para pambayad sa bills mo. Ung mga labs mo naman kahit naman hindi mo na irepeat yon iexplain mo nalang ng maayos at iexplain mo din kondisyon mo. Or kung gusto mo talaga sa private mghanap ka ng ibang private hospital na mura at pasok sa budget ng inlaws mo. Saka kahit Lying in pa yan, public or private pare parehas lang sanay magpa anak mga yan at alam nila kung paano ihandle sitwasyon mo. Mejo nakakainis pa ung huling statement mo na kung may pera ka lang hindi ka hihingi support sa kanila, aba magpasalamat ka nga kahit may pamilya ka na sinusuportahan kapa din nila. Matuto ka magpasalamat sa kung ano kaya nilang ibigay. Nakaka loka ka mommy, sana nagipon kayo ng asawa mo para wala ka sa sitwasyon na yan. Sa totoo lang naaawa ako sa in-laws mo sila na concern sayo nagsasalita kapa ng ganyan sa kanila.
Magbasa paNakaka urat si mommy, pasosyal masyado. 🤦♀️
Anu ba mas masama? "Inoobliga ka ni MIL mo na lumipat sa lying in"? O "inoobliga mo sila mag labas ng 100k para sayo?" Hahahah.. kala mo bente pesos lang ilalabas nila no? Wala pa yan yung mga unexpected na gastos sa hosp. Pagkain pa. Posible abutin pa ng 125k to 200k yan depende sa mgiging lagay ninyo ni baby. So pano pag umabot sa ganon? Paano kung d mo kaya inormal? Hindi kasi biro ang pag aasawa at pag pplano mag baby. Kelangan handang handa ka na. Physically, emotionally at financially. Sa ngayon 2 lang ang choice mo. Manganak sa lying in? O manganak sa public hosp. Hipag ko ganyan din dati. Nag buntis ng wala pera CS pa cya. Kinuhaan ko cya philhealth binayaran ko at dun sya sa public hosp nanganak. Bukod sa 5k na nagastos sa mga gamot at pantahi sa sugat nya.. wala nang binayaran pa sa hosp. 200 lang natira sa bill nya. Pwede pa nya ilapit sa SWA.
Magbasa paSis wala kayo magagawa ng husband mo kasi nakaasa kayo sa inlaws mo. Baka nagkataon na bigla nagipit sila. Ilang weeks ka na ba? Kasi kung kaya mo pa kausapin mo OB na hahanap ka muna ng public hospital kasi hnd nyo na afford,what if pilitin nyo tlaga na dun ka managanak tpos wala kayo pambayad?bigla kayo iwan sa ere ng inlaws nyo? Magpublic ka na lang. About sa anti tetanus hnd ka na bibigyan nyan sa health center sis kasi until 35weeks lang un eh. Bibigyan ka nyan after mo managanak which is okay lang naman. Hanap ka na public sis wag mo na ipilit sa OB mo kasi hnd nyo na afford eh.
Magbasa paAyun lang.. ano magagawa mo kung yun lang ang kaya ng budget ng inlaws mo? Sana nag ipon kayo ni mister para atleast masabi mo na kahit tig kalahati kayo sa bill. At may choice ka mamili kung saan mo gusto manganak. Hindi naman siguro kasalanan ng inlaws mo bakit ka nabuntis diva? Be thankful at kahit paano sasagutin nila pang pa anak mo. D mo naman kasi masasabi financial capacity ng tao ngayon. Lahat ng negosyo bagsak. Panahon pa ng epidemya na hindi mo alam kung may katapusan pa ba. Praktikal lang sila sa pera nila.
Magbasa pamay tatanggap pa ba sayo na public hospital kasi kabuwanan mo na diba? meron kasing public hospital na hindi natanggap kung hindi doon nagpapacheck-up...hndi sa tinatakot ha? kaso pangit experience ko nong nanganak aq sa lying-in, muntik ako mamatay..kaya nagtatyaga talaga akong magpila ng mahaba sa public hospital, mas safe kasi talaga if sa hospital..wag ka lang magtampo sa MIL kasi malaking halaga talaga ang 100k..sana natanong nyo pala muna magkano gastusin if sa private manganak para maaga kayo nakadecide..
Magbasa paKausapin mo nalang in-laws mo about your worries, sis. For a first time mom I don't think din na adviceable manganak sa lying in eh. Naiintindihan ko agam agam mo sis kasi first time mom din ako mas gusto natin yung sure yung safety natin at mairaos natin si baby ng walang problema. Kaya private din talaga ako ngayon eh. Buti nalang nakapaghanda na kami ni husband ko ng budget for CS pero syempre goal pa din ma normal😂. Baka may naitago na pera naman na talaga in-laws mo para pagpanganak mo.
Magbasa paAq FTM pro sa lying in aq nanganak and for me ok naman as long as wla naman naka ambang na risk sa pagbubuntis mo carry lng yan lalo at hnd naman sa bulsa mo mang gagaling pambayad intindihin mona lng MIL mo buti nga naka suporta pa sau ung ibang MIL kht singko wla ambag ih dalaw lng ang peg like my MIL itiwala mo sa OB mo at pray ka lng na maging maayos kau ng baby mo lakasan mo lng loob mo kc kng ikaw mismo panghihinaan ka ih bka mas mapano pa baby mo sa loob dhil iniistress mo sarili mo
Magbasa paMag public ka.? Kahit saan ka naman manganak. Okay lang eh. Kasi private ka man or public or sa center iisa din naman gagawin mo eh.. umire. Bat ka pa magbabayad ng 100k kung same din naman gagawin mo sa ibang place. Kung safety naman pinaguusapan. Nakapagaral po mga staff duon. Rest assured that your baby will be safe, at wag kang masyadong praning. ✌just saying. Praktikalan na ngayon. Ikaw na din nagsabi wala kang pera, might as well suck it up.
Magbasa paWag sumama ang loob mo sis ikaw pa dapat magpasalamat. Hnd mo hawak ang gagastosin sa private hosp. Like me pinaghanda ako ng 60k ng OB ko since my pandemic nagbago maghanda daw ako ng 80k. Take note parents ko willing kmi tulongan financially pero hnd ako masyado umaasa sa knila bali 2nd option ko na un. Nagsumikap kmi mag asawa na makapaghanap ng pambayad sa hospital sa panga2nak ko. Ung mga tutulong anjan lang yan sana magkusa din kayo mag asawa maghanap ng pera na magagamit.
Magbasa pa
Mommy of 2 naughty prince