sharing my thoughts

Share ko lang mga momsh sitwasyon ko ngayon. Yung mga in-laws ko gustong gusto na ng apo. Susuportahan kami ng asawa ko sa gastos hangga't hindi pa nakakaalis asawa ko. Maselan po ang pagbubuntis ko kaya sa OB po kami nagppacheckup. Alam naman po natin na may pagka pricey kapag Private Hospital ka nanganak. Ngayon, inoobliga ako ng MIL ko na manganak ako sa LYING IN. Dahil sobrang mahal ng pinapa ready ng OB ko which is 100k. Kung kailan kabuwanan ko na saka nila ako pinapalipat which is panibagong Labs at Ultrasound nanman at isa pa kinakatakot ko ayoko manganak sa Lying in dahil hindi mo masabi kung may emergency. Ano po ba ggwin ko? Komportable na ako sa OB ko pro insisted Inlaws ko na mag Lying in ako. Haysss kung may pera lang ako hindi ako hihingi ng supporta saknila. :(

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

How about ask assistance from your own parents po? Malaking bagay kasi para sa akin yung comfort na nabibigay kapag palagay na ang loob mo sa OB mo. Or pag hindi po kakayanin ng budget, you can always go to public hospitals po. Hindi kasing mahal ng private pero pwede kayo kumuha ng private na room to make sure na maasikaso kayo ng maigi ni baby plus may peace of mind ka dahil kumpleto ang kagamitan sa mga public na hospital compared sa lying in

Magbasa pa
5y ago

Public hospital po, mommy. Mas makakatipid kayo. Mas mura pa nga dun kesa lying in.

Wala po bang lying in na affiliated yung Ob mo? Pwede din naman na obgyne pa din yung magpaanak sa'yo even if sa lying ka. Yung 100k po ba for normal delivery yon? Parang ang mahal non for normal delivery. Talk to your obgyne and ask for other cheaper options kasi if nagcacare talaga yang obgyne mo sa'yo the least she could do is give you recommendations sa mga public hospitals, other doctors or find other ways na makasave ko ng money.

Magbasa pa
5y ago

Actually mommy ibang usapan na nga talaga if safety mo and ni baby yung nakasalalay. Kausapin mo yng obgyne mo and sabihin mo yung problem mo sakanya. Magpagawa ka ng recommendation letter para makalipat ka sa public hospital along woth your prenatal records. Ipaliwanag mo sa inlaws mo na if hindi mo feel na secured kayo ni baby sa lying in e they need to respect that. Try to ask for assistance nalang from them, pero pag tumanggi hayaan mo na. I'm sure you and your hubby will find a way. Basta momsh try to talk to your obgyne.

swerte kana sa in laws mo kung tinutulungan kau financially di lahat ng inlaws ganyan . saka sana nag ready na rin kau kahit pa sinabi nila na sagot nila dahil in da end kau naman ang parent nian .. no offend momy pero mas masarap parin ung masasabi mong pinagsumikapan niong mag asawa ung gastos at di umasa sa iba .

Magbasa pa

Kung ayaw mo sa lying in, mag public hospital ka. Swerte mo sa in-laws mo willing sila tumulong. Pero kung hindi talaga nila kaya sa private hospital aarte ka pa ba e tinulungan ka na nga 🙄

Lalo na ngaun lockdown I know na natatakot ka pero para sa baby take risk Kasi yang 100k Nayan is subrang hirap na kitaain ngaun Hindi lang Yan Basta basta pinupulot Kaya dapat know your limits po

Ok na po ung 100k for labor Baka my discount pa pag my philhealth. Mas maganda po tlga kung OB mo tlga magpapa anak.

kung may pera ka. e kaso wala. wag abusado gurl. 🙄

Sa Ob sis.