Nakakawalang gana na tumulong

Share ko lang mga mommies. Nakakalungkot lang makita na yung mga napipili kong tulungan lagi, parang di naman nila deserve. :( Lagi akong namimigay ng baby stuff hindi lang dito sa TAP. Mamili pa lang ng pag bibigyan medyo mahirap na para sakin dahil syempre lahat ng nangangailangan gusto kong tulungan. ☹ Tapos makikita ko lang yung mga pinamigay ko na di naman nila ginagamit and worst, makikita ko pa sa market place sa facebook. 😭😭 Meron din ako financially tinulungan before for her US, check up, etc. Di naman ako mayaman. Wala din akong work that time at extra ko lang din binigay ko sakanya dahil walang wala daw talaga siya and single mom siya. Nagpadala pa ako ng cash. Then wala naman akong nakitang kahit anong nabili niya or ultrasound. Yung mga sinisend niyang pictures halatang old photos. Di naman ako tanga lalo na sa mga ganyan. 😐 Ewan. Hindi naman sa pinag yayabang ko yung mga naitulong ko o sinusumbat ko. Nalulungkot lang talaga ako na maka encounter ng mga ganong tao. Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob. Parang nakakapang sisi na sila pinili ko. Knowing mas madami pang mas deserving. πŸ˜”

Nakakawalang gana na tumulong
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Konsensya napo nila yon ang importante tumutulong ka sa paraan na alam mo

3y ago

Sabagay tama naman po. Thank you mommy 😊

Mahirap napo malaman ang totoo sa hindi ngayon mamsh.

3y ago

kaya nga po eh πŸ˜”