Hydrops fetalis

Share ko lang mga mommies and mommies-to-be itong heart breaking experience namin ng spouse ko. 2 years ago, I lost our baby boy dahil sa hydrops fetalis na yan at 26 weeks. Sa mga hindi po familiar, eto ung condition ng unborn baby na hindi nadedevelop ng maayos ung features/internal organs nila (like stomach, cheeks, nose, etc.) Nasurprise kami noon kasi kakagaling ko lang sa check up with my OB gyne that time then the next day niluwal ko na si baby. Nagka-sepsis pa ako nun, para bang late pa nailabas si baby. Sobrang bad ng experience ko sa hospital na un. Then now, I'm at 22 weeks sa 2nd baby namin ni spouse, ganun na naman nag sitwasyon. Ang maganda lang siguro this time di kami nagulantang kasi nakakapagpa-ultrasound kami each OB visit (iba na ang OB gyne ko from before) - one thing na di ginawa nung previous OB gyne ko. Pero kahit na may awareness na kami, nakakalungkot lang na naulitan kami πŸ˜” Sobrang nakakadurog ng puso mga mommies πŸ˜­πŸ’” I'm always asking myself what I did wrong, kung bat nagkaganto na naman ang baby namin. To the point na ayaw na ng spouse ko na mag-baby kami. Kasi sa ganto, delikado din ang lagay ko. Kailangang imonitor ang BP at wag tataas, or I could die. Kaya need alisin si baby the soonest possible time. Gusto ko lang naman maging mommy 😒 pangalawang pagkakataon na sana, pero mawawala pa. Di pa sigurado kung anong cause - pwedeng dahil magkaparehas kami ng blood type ni spouse, may heart problem ang baby, anemic sya or genes. Pasensya na sa mabigat na share ko, this might be the first and last post ko. Palagi po mag-ingat ang lahat. #2ndbaby #wantstobeamother #justsharing #heartbrokenmomma

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Praying for you mii and your baby, last year nangyari din samin yan ng hubby ko. 2nd baby naman namin hydropz fetalis din pero umabot kami ng 35 weeks ni baby dahil talagang lumalaban sya, yung isang chamber ng heart nya hindi nag close kaya nag karon sya ng problem sa pag laki, baby boy din. Madalas daw nag kakataon lang lalo na wala naman sa lahi namin yung ganun. Sadly na stillbirth kami, sched na sana ako for cs para maabutan si baby na buhay kasi nga complicated yung condition ni baby pero nung nasa ER na ko for admission hindi na mahanap yung heart beat nya πŸ˜” siguro ayaw nya ako ma cs kaya ganun after 1 1/2 days nainormal ko si baby kaso wala na talaga sya di man lang sya umiyak o gumalaw. Sobrang heartbreaking talaga, pero mabuti po ang Lord dahil alam namin na mahal na mahal nya yung baby Kayzer namin. Currently pregnant for our 3rd baby and praying na sana ibigay na samin sya ni Lord talaga at makasama ng mahabang panahon. Sana wala sya problem will do CAS on nov 14 and nakakakaba pero I will put my trust and faith sa Lord talaga. Just be strong mamshy and to your hubby, kapit lang po kayo. Mahal na mahal po kayo ng Lord lalo na ang mga baby nyo.

Magbasa pa
1y ago

@angel hi mii, yes po normal po ang first born ko. Yung 2nd ko po sya lang yung may problem. Yung pangatlo ko po normal naman din po sya. Feeling ko po kaya nangyari dakin yun sa 2nd baby ko dahil po hindi healthy ang placenta kaya fi nahahatid yung nutrients na need ng baby kaya di po nabuo ng ayos yung heart nya. Siguro po maliit na yung chance na maulit ulit yun mii basta healthy po kayo nung bago kayo mag buntis. 1year lang po mahigit unexpected na sundan na yung pangalawa ko and normal naman po lahat sakanya, siguro po talagang love ni Lord and 2nd baby natin kaya kinuha nya din agad para po di na mahirapan sila sa mundo.