βœ•

Hydrops fetalis

Share ko lang mga mommies and mommies-to-be itong heart breaking experience namin ng spouse ko. 2 years ago, I lost our baby boy dahil sa hydrops fetalis na yan at 26 weeks. Sa mga hindi po familiar, eto ung condition ng unborn baby na hindi nadedevelop ng maayos ung features/internal organs nila (like stomach, cheeks, nose, etc.) Nasurprise kami noon kasi kakagaling ko lang sa check up with my OB gyne that time then the next day niluwal ko na si baby. Nagka-sepsis pa ako nun, para bang late pa nailabas si baby. Sobrang bad ng experience ko sa hospital na un. Then now, I'm at 22 weeks sa 2nd baby namin ni spouse, ganun na naman nag sitwasyon. Ang maganda lang siguro this time di kami nagulantang kasi nakakapagpa-ultrasound kami each OB visit (iba na ang OB gyne ko from before) - one thing na di ginawa nung previous OB gyne ko. Pero kahit na may awareness na kami, nakakalungkot lang na naulitan kami πŸ˜” Sobrang nakakadurog ng puso mga mommies πŸ˜­πŸ’” I'm always asking myself what I did wrong, kung bat nagkaganto na naman ang baby namin. To the point na ayaw na ng spouse ko na mag-baby kami. Kasi sa ganto, delikado din ang lagay ko. Kailangang imonitor ang BP at wag tataas, or I could die. Kaya need alisin si baby the soonest possible time. Gusto ko lang naman maging mommy 😒 pangalawang pagkakataon na sana, pero mawawala pa. Di pa sigurado kung anong cause - pwedeng dahil magkaparehas kami ng blood type ni spouse, may heart problem ang baby, anemic sya or genes. Pasensya na sa mabigat na share ko, this might be the first and last post ko. Palagi po mag-ingat ang lahat. #2ndbaby #wantstobeamother #justsharing #heartbrokenmomma

13 Replies

So sad nga mii. pray ka lang mii isasama kita sa prayers ko. ako last may 2022 nakunan din ako due to Subchorionic Hemorrhages 8weeks and 5 days and after 3months nabuntis ako ulit now im 13weeks preggy. mxado nga akong paranoid ngaun kc ntatakot tlga ako sobra andami ko tanong sa OB ko f kmusta c baby okey lang ba hanggng sa nakukulitan sa saakin ung OB ko sa kakatananong ko sa part ko nmn okey lang nmn ung mgtanong xmpre nmn kako nakunan ako doc gsto ko lang assurance and wagxado pakalungkot mii bka matilad ka saakin im seeking PSYCHIATRIST until now b4 ako nabuntis at ngaun kc inaataki ako ng anxiety, depression and panic attack. ingat mii mhirap mgka depression sobrang hirap to the point na akla ko na mmtay na ako kc hnd na ako mkahinga maayos isinusugod ako sa hospital nyan pag naataki malala. kaya ngaun gsto ko relax lng kc kwawa din c baby kc naapktohan daw bilang nanay wala nmn tau ibang gsto kundi mgng mabuti at maayos c baby pag labas. nangyayaro tlga ang mga bagay mii na wala taung control. hoping mii malampasan mu ito mgusap lng kau no hubby mu close frnds mu wag ka mgkulong mii mahirap malagay sa tulad ko na stwasyon. umabot na ako sa point natatakot akong umalis lumabas mgisa kc bka atakihin ako andaming takot! staysafepo and godbless mii. i feel you mii hnd ka lang ngiisa sa pnagdadaanan muarami din mommies dumadanas ng mga nadanasan ntn at kakayanin ntn toπŸ™πŸ™πŸ™β€β€β€ virtual hug sayo miiπŸ™‡β€β™€οΈπŸ™‡β€β™€οΈπŸ™‡β€β™€οΈ

kaw din mii staysafepo and godbless πŸ™πŸ™πŸ™ wala salita para maibsan ung nararamdaman mu po pero cge lang mii kaya mu yan at wag matakot mg try ulit! sabi nla in gods perfect timing sana hnd mu sukuan. πŸ™ keep ur faith pa din mii marami pang surpresa ang ibbgay ng bukas saatin❀❀❀

TapFluencer

Praying for you mii and your baby, last year nangyari din samin yan ng hubby ko. 2nd baby naman namin hydropz fetalis din pero umabot kami ng 35 weeks ni baby dahil talagang lumalaban sya, yung isang chamber ng heart nya hindi nag close kaya nag karon sya ng problem sa pag laki, baby boy din. Madalas daw nag kakataon lang lalo na wala naman sa lahi namin yung ganun. Sadly na stillbirth kami, sched na sana ako for cs para maabutan si baby na buhay kasi nga complicated yung condition ni baby pero nung nasa ER na ko for admission hindi na mahanap yung heart beat nya πŸ˜” siguro ayaw nya ako ma cs kaya ganun after 1 1/2 days nainormal ko si baby kaso wala na talaga sya di man lang sya umiyak o gumalaw. Sobrang heartbreaking talaga, pero mabuti po ang Lord dahil alam namin na mahal na mahal nya yung baby Kayzer namin. Currently pregnant for our 3rd baby and praying na sana ibigay na samin sya ni Lord talaga at makasama ng mahabang panahon. Sana wala sya problem will do CAS on nov 14 and nakakakaba pero I will put my trust and faith sa Lord talaga. Just be strong mamshy and to your hubby, kapit lang po kayo. Mahal na mahal po kayo ng Lord lalo na ang mga baby nyo.

@angel hi mii, yes po normal po ang first born ko. Yung 2nd ko po sya lang yung may problem. Yung pangatlo ko po normal naman din po sya. Feeling ko po kaya nangyari dakin yun sa 2nd baby ko dahil po hindi healthy ang placenta kaya fi nahahatid yung nutrients na need ng baby kaya di po nabuo ng ayos yung heart nya. Siguro po maliit na yung chance na maulit ulit yun mii basta healthy po kayo nung bago kayo mag buntis. 1year lang po mahigit unexpected na sundan na yung pangalawa ko and normal naman po lahat sakanya, siguro po talagang love ni Lord and 2nd baby natin kaya kinuha nya din agad para po di na mahirapan sila sa mundo.

TapFluencer

wag po kayo mawalan ng pag-asa. Bibigyan din po kayo ni Lord, kapag ready at para sa inyo na talaga. Last year din po nawala ang first baby ko due to congenital problem(hirshsprung disease), Nakita din thru CAS ultrasound na may problem sya pero tinuloy ko pa din kahit sinasabihan ako na delikado for me hanggang sa nag preeclampsia ako at 33 weeks. 3 months lang po nabuhay si baby, at hindi namin sya naiuwe sa bahay. Buong 3 months nya nasa hospital lang sya at nakakaawa po makita ang baby sa ganong sitwasyon. Ngayon, im 36 weeks pregnant, Super paranoid din, iniisip ko kung what if same na naman ang maexperience ko. Pero dasal lang po tayo, kung para sa atin, sa atin talaga. πŸ™πŸ™

VIP Member

Hugs mi! Nawalan na din ako last yr. Hindi din nag develop si baby ng maayos. Sobrang heartbreaking makita sya ng ganon. Pero naisip nalang namin, mas mahirap makita sya na buhay pero hirap at may diperensya. Nakakaawa din. Parang ayaw mo na talaga mag anak ulit kapag ganon. Pero may plano si Lord mi. Hanap ka specialist, Perinat, ganon. Pacheck kayo both ni hubby. Kasi if twice na nangyari, it could be genetic na mi. Haaay God bless mi. I know hindi madali. Pero through God's grace, makakaya mo.

Hugs mommy! 2 years ako nagmiscarriage din ako, 15 weeks going 16 kasi kailangan ako operahan dahil sa cyst. Now I am 16 weeks and grabe ung anxiety habang hndi kopa nalalagpasan ung weeks nung dating unborn baby. Nkaka praning kasi isa nlng ovary ko ang may cyst nanaman at baka operahan nanaman. Dumating dn kame sa point na prng okay lang kahit d na bgyan ng blessing pero bglang dmating c baby (1st baby namen ito) so pray lang tyo mommy na dumating ang right time para sa atin πŸ™πŸ»πŸ˜‡

Hi mommy, as per my Hematology and hydrops fetalis is pwedeng nakukuha if may Alpha thalassemia ka at si partner mo kasi sakin ako may alpha thalassemia and luckily si partner is wala kaya si baby is healthy and hindi nakuha yung sakit ko. Currently 38 wks and 3 days right now. Pray always mommy and if the time is right ibibigay po sainyo ni God si baby. stay safe always po

mahigpit na yakap mommy, bilang first time mom nararamdaman ang sakit na mawalan ng baby, in your case pa twice na. siguro po need maidentify ang cause talaga at magawan ng paraan. pag pray ko po kayo, you have angels in heaven watching over you.

VIP Member

πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ God always have a best plan sainyo mi. Just trust him and always pray. Magkakababy din po kayo in right time and in God's will. πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ don't lose hope and faith.

kami rin ni hubby same ng bloodtype but everything is normal naman po. baka po hereditary or may history po tlaga sa family

Isang mahigpit na yakap mi, naway gabayan ka po ni lord palagi at patatagin pa sa pagsubok na pinagdadaanan mo. πŸ™

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles