Acid reflux sa buntis
Share ko lang grabe dinanas ko sa acid reflux nayan. 2 beses na admit sa hospital sana pag nanganak mawala nadin yung acid reflux nayan.🥺🥺🥺

Nawawala po after manganak. Sa first baby ko pagtungtong ng 3rd trimester nagka acid reflux ako every night pero hindi naman umabot sa point na na-admit ako sa ospital. Pagkapanganak ko nawala din agad.

wag ka po mahiga pagkatapos kumain after 2 hrs kumain bago mahiga at kumain ka ng maraming gulay na repolyo kain ka pipino iwasan mo talaga pagkain na naka acid uminom maraming tubig napaka effective po
thank you po. hindi po ako humihiga after kumain may pahinga po. anong luto po ng repolyo gisa gisa lang po? sa pipino po babalatan tapos papakin lang po ba? dahil ngapo sa acid umakyat na naapektuhan yung lalamunan ko kaya hirap din lumunok kahit tubig pero kinakaya ko naman po
Problem ko din acid reflux tapos ang naka tulong lang sakin is yung nature spring ph9 mineral water.
Ang gawin nyo po alternate ang pag inom ng normal water at ph9 para hindi mabigla ang katawan mo tapos paunti unti lang inom ng ph9.
wag po kau mag dairy; iwas ang mamantika at my tomato na pagkaen tapos un tubig alkaline
mas mura ksi un alkaline pero pag nakaen ako sa labas Ph9 dn tubig ko
Yes, mawawala rin yan. Plasil recommended for acid reflux. Tiis lang
plasil?
anu po naramdaman niyo mi?
grabeng paninikip sa dibdib po tapos sakit sa likod nagsusuka lalo na nung una ko naranasan