Share ko lang experience ko, hindi ko rin po kasi alam kung paano ko share sa asawa ko, since nasabi ko naman na hinanakit ko sa family nya, pero di ko po alam mas in favor pa rin kasi sya sa family nya compared sakin, oo sakin lang, kasi sa anak ko support sya e.
Ganito po kasi, nag simulang magkaroon ako ng hinanakit sa pamilya nila, nung mas nagiging close na yung anak ko sa mga lolo lola nya, yung mas kilala pa sila ng anak ko kesa sakin na mismong nanay nya, ang sakit lang kasi 1st time mom here, lahat yon tiniis ko, mga tingin, iyak ng anak ko everytime na nakikita nya lola nya na kahit eto na ako, hawak ko na sya hinahanap pa rin lola nya.
PS: dun po kasi natutulog anak ko sa kanila sa gabi, dahilan na rin siguro yun and by the way 7 mos and 13 days na po baby ko. Alam ko po kasalanan ko rin, kasi hinahayaan kong matulog yung anak ko sa kanila, again, 1st time mommy po ako and bunso pa po ako samin kaya I had no experience taking care of a little one and 21 years old palang po kasi ako, inaalam ko naman po lahat and willing naman po ako mag learn.
To na po ang siste, since hindi ko na po nakayanan, sinabi ko po kasi na sakin muna matutulog anak ko, kasi po di na nga ako kilala ng anak ko ganito ganyan and ang byenan kong lalake, tinawanan lang ako. Syempre sa part ko po, nabastusan ako pero hinayaan ko nalang. And sumunod na ang mga araw na parang nagtatampo mga magulang nung asawa ko kasi nga katabi ko natutulog anak ko, na mismo sa harap ko, kailangan po bang sabihin nung byenan kong lalake na, "hinahanap lola nya", "nag-papakuha sa lola", "umiiyak si LO, gustong sumama sa lola" knowing na kaharap po ako? Hawak hawak ko anak ko? Ang sakit lang po kasi. Parang pinaramdam nila saakin na ako pa mismo ang kailangan na hiramin ko anak ko, mga ganon.
Alam ko po, bata pa po ako, wala po akong masyadong alam, pero willing naman po akong matuto, pero ang bastos lang din po kasi, ako yung nanay pero ni-hindi man lang nag papaalam sakin na kukuhanin anak ko, kahit nandito na ko, na pwede namang sabihin "dalhin lang muna namin si baby sa taas" wala. I swear, wala. Ulitin ko, alam ko po bata ako, pero diba po kahit konting respeto nalang po as a mother, di ko po ba deserve yon?
Pati po sa pag papakain, kung ano ano nalang po pinapakain nila sa anak ko although 7 mos na pwede na sya pakainin pero dapat po ba mga kinakain nya may mga seasonings, vetsins, asin etc. Tapos lagi kong tinanong kong ayos lang po bang may nakakain anak ko ng ganon, lagi lang pong sagot sakin "oo para hindi maselan" yes, maselan po kasi ako, hindi po ako kumakain ng gulay pero ang dating po sakin, parang gusto nilang ipahiwatig na "wag matulad sakin". Kahit naman po maselan ako, para sa anak ko, gagawin ko naman po yung best pero wala e since student palang naman po kasi kami ng asawa ko, wala, need makisama pero ang hirap tapos nataon pang ECQ. Tiis nang bongga nalang talaga.
Nahihiya naman po ako mag-open up sa kanila kasi baka po ma-offend sila, since sila nag papakain samin, sila bumibili ng gatas ng anak ko which is obligasyon ng tatay, e student palang naman din po yung tatay tulad ko, asa sa magulang.
I just want to share this kasi hindi ko na kaya ?
Izza