Mother and Father in-laws Problems

Share ko lang experience ko, hindi ko rin po kasi alam kung paano ko share sa asawa ko, since nasabi ko naman na hinanakit ko sa family nya, pero di ko po alam mas in favor pa rin kasi sya sa family nya compared sakin, oo sakin lang, kasi sa anak ko support sya e. Ganito po kasi, nag simulang magkaroon ako ng hinanakit sa pamilya nila, nung mas nagiging close na yung anak ko sa mga lolo lola nya, yung mas kilala pa sila ng anak ko kesa sakin na mismong nanay nya, ang sakit lang kasi 1st time mom here, lahat yon tiniis ko, mga tingin, iyak ng anak ko everytime na nakikita nya lola nya na kahit eto na ako, hawak ko na sya hinahanap pa rin lola nya. PS: dun po kasi natutulog anak ko sa kanila sa gabi, dahilan na rin siguro yun and by the way 7 mos and 13 days na po baby ko. Alam ko po kasalanan ko rin, kasi hinahayaan kong matulog yung anak ko sa kanila, again, 1st time mommy po ako and bunso pa po ako samin kaya I had no experience taking care of a little one and 21 years old palang po kasi ako, inaalam ko naman po lahat and willing naman po ako mag learn. To na po ang siste, since hindi ko na po nakayanan, sinabi ko po kasi na sakin muna matutulog anak ko, kasi po di na nga ako kilala ng anak ko ganito ganyan and ang byenan kong lalake, tinawanan lang ako. Syempre sa part ko po, nabastusan ako pero hinayaan ko nalang. And sumunod na ang mga araw na parang nagtatampo mga magulang nung asawa ko kasi nga katabi ko natutulog anak ko, na mismo sa harap ko, kailangan po bang sabihin nung byenan kong lalake na, "hinahanap lola nya", "nag-papakuha sa lola", "umiiyak si LO, gustong sumama sa lola" knowing na kaharap po ako? Hawak hawak ko anak ko? Ang sakit lang po kasi. Parang pinaramdam nila saakin na ako pa mismo ang kailangan na hiramin ko anak ko, mga ganon. Alam ko po, bata pa po ako, wala po akong masyadong alam, pero willing naman po akong matuto, pero ang bastos lang din po kasi, ako yung nanay pero ni-hindi man lang nag papaalam sakin na kukuhanin anak ko, kahit nandito na ko, na pwede namang sabihin "dalhin lang muna namin si baby sa taas" wala. I swear, wala. Ulitin ko, alam ko po bata ako, pero diba po kahit konting respeto nalang po as a mother, di ko po ba deserve yon? Pati po sa pag papakain, kung ano ano nalang po pinapakain nila sa anak ko although 7 mos na pwede na sya pakainin pero dapat po ba mga kinakain nya may mga seasonings, vetsins, asin etc. Tapos lagi kong tinanong kong ayos lang po bang may nakakain anak ko ng ganon, lagi lang pong sagot sakin "oo para hindi maselan" yes, maselan po kasi ako, hindi po ako kumakain ng gulay pero ang dating po sakin, parang gusto nilang ipahiwatig na "wag matulad sakin". Kahit naman po maselan ako, para sa anak ko, gagawin ko naman po yung best pero wala e since student palang naman po kasi kami ng asawa ko, wala, need makisama pero ang hirap tapos nataon pang ECQ. Tiis nang bongga nalang talaga. Nahihiya naman po ako mag-open up sa kanila kasi baka po ma-offend sila, since sila nag papakain samin, sila bumibili ng gatas ng anak ko which is obligasyon ng tatay, e student palang naman din po yung tatay tulad ko, asa sa magulang. I just want to share this kasi hindi ko na kaya ?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! Bata kpnga... it happens to me din b4 sa first baby ko.. lgi nila knukuha un daughter ko to the point na prang katatawanan lng ksi aq un mother pero ayw skn sumama ng daughter ko. Naaasar din aq sa sis in law ko ksi kinukuha nya un daughter ko pra ipasyal ng walng paalam. Prang na bypass gnn ang feeling. Pero nka bukod kmi sa in laws ko ha pumupunta sila pra kunin un baby ko lets say 3 days sknla. Pero hnhyaan knlng nver din aq nagsalita sa husband ko and narealize nya na mli un nun nagkwenthn sila ng friend nya. U know wat sis wla ka mggawa kundi makisama sa in laws mo dhl dyan ka nkatira sknla. Mostly mga lolo at lola mhilig tlg mag alaga ng apo nila. Kausapin mo nlng c hubby mo in a nice way about dyan. Pero wag mo aawayin c hubby mo dhl parents nya yan tps dyan pa kau nkatira sa bhy nla. Ksi kng kaw mismo magsasalita sa in laws mo bka mgalit sila sau hyaan mo c hubby mo kmausap sknla...

Magbasa pa
5y ago

Wag knlng mgisip ng negative. Ndi mo maiiwasan gusto nla ksma apo nila. Ganyn tlga mga inlaws. I have 3 kids minsan dnadala ng MIL ko un 2 kids ko sa tagaytay tps un isa nmn isasama nmn ng sis in law ko minsan nsasabe knlng wla na pla aq anak na ksma pero un pgkakasabe ko in a nice way prang paawa effect pra lht pano ma getz nila at the same time ndi din sila mairita skn dhl maayos nmn pgkksbe ko. Cgro ndi k msyado close sa inlaws mo noh? Try mo mging close sknla pra sa susunod may masabe kman kht pano medyo papakinggan ja nila. Pero lgi paawa effect or maayos na pananalita pra wlng gulo. Pero swerte mo knukuha ng inlaws mo un baby mo un iba hrap na hrap mag alaga ng baby dhl wla sila kapalitan..

You have to open up pero ayusin mo yung pagkakasabi mo na di sila maooffend ganun. But before that pano dumating sa point na di kayo close ng anak mo? Di po ba siya nagbibreastfeed sa iyo nung una? Maybe set boundaries din, kasi from what I understood sila pa nag-aalaga eh kasi nag-aaral pa kayo (on that part, you really should be thankful). Di ko pa napapanganak baby ko as of now and bata rin ako, pero planado ko na na may time talaga ako kay baby. Like for example, sila mama bahala while nasa school ako tapos pagkauwi ko, akin na si baby ganoon. Pinag-uusapan kasi talaga yan sis.

Magbasa pa
5y ago

Yun na nga po e, pinaparamdam po nilang hindi ko kaya. Aaminin ko po, ako po mismo nakaka-untog sa anak ko madalas newborn palang, pero di naman po kasi mangyayari yon kung di po kami napupunta dito e, di po kasi ako sanay sa bahay nila, di ko pa po gamay mga kalakaran nila dito, nag aadjust ako kasabay ng baby ko, pero kahit na sinong magulang, hindi naman po ginusto yon 😞 sa mga ganong dahilan po ba nakikita na hindi ko deserve anak ko? 😅 o baka wala po silang bilib sakin kasi nga po bata pa po ako wala akong masyadong alam 😞 gustong gusto ko silang sagutin, gusto kong ipamukha sa kanila kung anong kabastusan nararapat para sa kanila kaso hindi pwede 😞

Since nakikitira kau jan d tlaga maiwasan yan. At advise lang hindi ka dapat nakikipag kompetensya sa lolo at lola buti nga yan my ibang nag aalaga sa bata. Anak ko mga.pamangkin ko ang close nila sa mga lolo at lola nila which is good for me. At base sa kwento mo sila nag aalaga sa bata kaya ganun. Dahan dahanin mo alagaan ung anak mo para.maging malapit ang.loob sayo. Madami mga FTM at mas bata pa sayo kaya naman nila alagaan ang mga anak nila. Parang wla naman ata ginagawa na masama ang in-laws mo na ikakahurt ng feelings mo base sa kwento mo.

Magbasa pa
5y ago

Thankful naman po ako pero habang lumalaki po kasi, mas malapit anak ko sa kanila kesa po saakin, kaya po ako ganon kasi ayaw ko pong mangyari yung nangyari samin ng mama ko, na mas close pa po ako sa lola ko kesa sa kanya to the point na nasasagot ko sya, di ko naiintindihan nanay ko kasi feeling ko mas tama yung lola ko kesa sa kanya mga ganon po

VIP Member

Wala akong ibang masabi kundi ☹️☹️☹️

VIP Member

Why not hindi ka bumukod

5y ago

Hindi ko rin po magawa kasi student palang po ako and isa pa pong dahilan ECQ, nandito po kami sa Bulacan, taga Nueva Ecija po ako wala rin po kaming masasakyan. Gustuhin ko man po e malabo 😞