Team December πŸ‘Ά is out ❀

Share ko lang experience ko as a First Time mom, Lmp March 11,2022 Edd Dec 18,22 Nov 30, Start na Open Cervix ko 1cm then, 37 weeks na ako non, then nag start na ako mag walking, Take ng evening primrose 2x a day, every morning at late afternoon ako nag lalakad, no sign walang discharge at Pain na narramdam Hanggang sa na pressure na ako kasi yung ibang mga mommy may mga sign na malapit na mangnak, At sa side fam ko super excited na sila makita si baby boy, so ayun nga feeling ko habang pinepressure mo yung sarili mo mas mas tatagal lumabas si baby, Dec 3 Bumalik ako para mag pa IE, Still no progress 1 cm parin 38weeks na ako non. Nag pineapple na ako tapos kahit oral pinatake sakin sa primrose nag insert nako non for 1 week Dec 5 naglakad ako ng halos 2hrs walang sign parin no discharge no pain, Gabi non Nipple Stimulate ako, Then feel ko yung paninigas ng tiyan ko ar puson kasabay ng balakang then pag ihi ko, May blood then Dec 6 Balik ulit ako sa Clinic, Pa Checkup IE ako 1Cm parim daw normal.lang may spot na lumabas sakin, Pero yung spotting kona yun hindi dahil sa IE Ako ilam beses nako IE di naman ako dinudugo Dec 6- 7 bumayahe ako, At Sinabihan ako ng Sis ko kung ipasundot ko daw kay LIP Then Dec 7 May nafeel nko masakit ang puson ko papuntang balakang pero tolerable pa naman yung pain, pinakikiramdaman ko, pabalik balik yung pain pero naka sleep pa.naman ako bali yung sakit nya sa puson nanggaling papuntang balakang Dec 8 1:30am Nafeel ko na tlaga yung pain 4-5mins interval pero yung sakit sa puson nagsisimula papuntang balakang at panay tigas ng tiyan ko Then Decide na kme pumunta Clinic so ayun nga 1Cm parim daw False Labor daw dapat sa balakang manggaling , Sabay hilab ng tiyan so umuwi kme. Dec 8 Morning nakaka ramdam nako ng sakit parin hindi na ako maka sleep ng maayos kasi mayat maya tlga sumasakit, Hanggang Tanghale wala na ako gana kumain at Hapon 3-4 mins interval yung sakit balakang hilab ng tiyan tas mawawala tas bbalik naggsng ako kada sakit, gusto kona mag padala.sa clinic kaso ayaw pa nila baka daw pauwiin naman daw ako, kasi yung sakit daw na nafeel ko nakkpag pahinga pa dw. pero namimilit nako sa sakit 1 mins yung sakit bbalik after 3 mins ganon Dinner time na wala tlga akp gana kumain di n ko maka usap ng maayos sa sakit naka simangot nko hahahha, Nagpadala na ako tapos simabhan pa ako ng mama lo dalhn na ba yung gamit ayoko pa sana baka kasi its a prank n naman e., so ayun dec 8 ng gabi dinala nila ako pagka IE sakin 3-4 cm na ako so ayun inamdit nko, Sabi pa sakin ng midwife mukhanh hinang hina na dw ako, sabi ko di nako nakakain at nkaka tulog sa sakit e. need ko daw lakas mamaya, Insert nko pambilis ng cm pagka salpak 7cm na tapos yung dextrose pamhilab nag 8cm na Namimilipit n tlga ako sa sakit sabi ko parang nattaae ako sumisigaw pa nga ako sa sakit sbi sakin ni mother konwag dw ako ganon umiire mamaya sasakit lalamuna ko, Then 8cm nko dinala nko delivery room ayun feeling na para kang nattaae tlga panay hilab ng tiyan ko kaya ire ako ng ire na parang natatae pero tahimik na para ka tlgang tumataw ganon ginagawa ko, Ayun yun start na 3 ire ako bago lumalabas si baby, Unang ire ko mali pla dapat dw angat ulo tingin sa tiyan so ginawa ko naka dalawang ganon ako ayun baby is out na 😍 3.6 kilos via Normal delivery Ang laki daw buti di ako n cs napunitan ako gang pwet loob at labas Pero Habang tinatahi na ako bumulwak yung dugo ako halos na taranta sila sakin need ako salinan ng dugo kung ano ano na inject sakin non. dkona alam haha. basta akp pro dasal.lng nasa isip ko simula nun inadmit nko wala akong tigil sa pagddasal suot suot ang rosary ko, Ayun sa awa ng diyos. naging okay nman ngayon nag papagaling mlng sa tahi masakit parin gang pwet e. heheheh. Kaya sa mga mommy dyan pray lang tayo kay lord at Wag natin pressure sarili natin. PS Effective pla tlga pasundot kay hubby hehehhe. Goodluck mga mash! 😍

Team December πŸ‘Ά is out ❀
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same tayo mi Dec 8 nanganak. 6am non ng Dec 7 nag-start na ako mag labor tolerable pa pero 5-10mins interval na siya diretso agad ako sa ER nagpa IE sabi 1cm parin ayaw ako iadmit kasi 4-5cm lang daw inaadmit nila. Kinahapunan mas lumala yung sakit bumalik ako sa hospital 3cm palang kaya di parin ako inadmit pero grabe na yung dugo na lumalabas sakin non pero pinauwi pa din kami. Di ko na talaga kaya yung sakit non umiiyak na ako sa sakit mga 11pm bumalik kami hindi parin ako tinanggap sa public hospital. Nagpatakbo na ako sa private hospital yun pala emergency CS na ako kasi nagleak na panubigan ko pero stuck talaga sa 3cm. Masikip daw kasi sipit sipitan ko kaya grabe daw yung pain ko kahit 3cm palang. Naging critical na kami ni baby pero grabe kapabayaan sa public hospital na yon. Thankful ako kasi safe kami bi baby Dec 8 12:15am ako nanganak πŸ₯°

Magbasa pa

December 9 nag normal delivery din Ako sa baby ko..parehas na parehas tayo mommshie Ng experience..pabalik balik na Ako sa clinic Kasi nakakaramdam na Ako Ng sakit pero 1cm padin daw Ako...sinabihan pa Ako Ng midwife na nagmamadali daw Ako..then Yun na after ilang hours lang lumabas Nadin Yung angel koπŸ˜‡...nagpapagaling nalang din dahill medyo Malaki punetss 3.7 si babyπŸ˜…

Magbasa pa
2y ago

Mii musta na since halos kasabayan lng kita okay naba tahi mo?

march 11 din LMP ko mi 😍 pero EDD ko sa 1st ultrasound ko is JAN 2 😍pero sa center same ng EDD mo 😍 congrats po, baby boy din ang akin currently 37 weeks and 1 day today 😁

2y ago

same mi, march 11 unang araw ko po.. 37 weeks and 1 day na po ako today... ultrasound po ang pinafollow sken ni OB e hindi po ung sa LMP.. 1st transv ko na may hb si baby is jan 2 po tlga ang due ko 😁

.congratz mii at nalampasan mo, sana malampasan q din, im 38 week preggy aq now at 1 cm na din bukas na din cervix q., sana makaya q din.πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

2y ago

ie

delikado po kasi pag biglang bulwak ng dugo po madami na rin pong namatay dahil sa ganon buti po safe kayoooo πŸ’– kamusta po yung tahi nyo?

2y ago

mejo ok na po mii pwet nlng mejo masakit parin

Hi moms, Okay lang ba iinsert yung EPO kahit hindi sinabi ni Midwife? Curious lang po. Salamat