SEPT 01, 2020

Sept 01, 2020 Via NSD Baby Girl, Krystelle Nicole Share ko lng po. Morning, nagspotting na ako ng dugo tapos kasabay nun every 5mins pananakit ng puson ko, inobserb ko muna hanggang 11am ganun pdin so nagdecide na ako magpunta ng lying in sobrang layo pa natadtad ako ng sobra sguro, sabe saken ng midwife 35 fundic ung laki ng tyan ko at 2cm palang ako, 3.6kg dw yung bata so sinuggest via CS, kaso gagastusin ko is 60k to 70k dw maghanda dw ako ng ganung kalaking pera, eh alam naman nten pandemic po wala dn po kami kaya nagdecide ako umuwe muna kse sbe din ng midwife matagal tagal pa. Nagpa ultrasound din ako nun sknila. Nakauwe kami 3pm na sa bahay, ayun sobrang sumasakit na talaga yung puson ko, at paonti onting spotting ng dugo, naguusap kmi ng asawa ko san ako manganganak dahil walang pera tlaga na ganun kalaki, naipon lng namen is 10k kse maaga dn ako nkapagbayad ng philhealth, hapon na 5pm, nagdecide yung mama ko sa ibang lying in at dun nako inadmit agad chineck up, sbe 3cm na dw at manipis na cervix ko, inadmit nako swero na 7pm ng gabi IE ulit 5cm na, sinaksakan nako ng pampahilab, pinakamahirap pala sa part talaga ung labor jusko hndi ko po kinakaya lalo na #1stimemom po ako, 9pm dumating na ung doctor naghanda na sila sumusuko na sken ung doctor dahil sa pagire ko hirap na hirap, hndi po ako magaling umire hehe, nagagalit na doctor sken 9:52pm ayun na last ire lumabas na si baby, sa awa ng diyos nakaraos na kami, habang tinatahi ako ramdam ko pdin ang sakit pero sobrang saya ng makita ko na si baby at nakaraos na. Sept 4, 2020 12:55am As of now, eto sobrang sakit pdin ng tahi ko sguro hanggang pwet halos d po ako makagalaw hndi ko mabuhat si baby dahil grabe sket ng tahi, salamat sa dyos may asawa ako na maasikaso, langgas ng bayabas pang hugas ko naiibsan naman ung sakit. Marami ako natutunan dito sa #theasianparentph, sa mga momsh dyan magdiet po tlaga kayo at exercise walk, kse ako late ko na nagawa lalo na sobrang takaw ko po sa rice at sweets, kaya sobrang laki din po ng bata. Salamaat sa pagbabasa mga momsh. #theasianparentph #firstbaby #1stimemom #sharingiscaring

SEPT 01, 2020
38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kaya nga , ako nga hirap sa pag upo ksi kakaire ko lumabas almuranas ko kaya mas lalo akong nahirapan