Maybe concern lang asawa mo sa pambayad ng hospital, lalo na ngayong panahon na to. Totoo, mahal talaga manganak ngayon and mahirap din sa public hospital manganak kasi based sa mga kwento sa akin, napapabayaan talaga minsan. Pero di naman tama yung ilalagay ka ng asawa mo at risk. Maybe it's best to try talking to him again. Una sa lahat, buhay mo at ng anak nyo nakasalalay dun, besides matagal nyo na usapan yun so dapat nakapag-save na kumbaga sa panganganak mo. Kung nagalaw man, sana gumawa ng paraan diba. Pero kung malakas naman loob mo, pwede mo naman sundin asawa mo. Nasa inyo desisyon nyan. It's not about pride, it's about you and your baby's safety. Yun dapat priority nyo.