βœ•

80 Replies

wag ka malungkot mii kahit girl ang anak mo. maging happy ka nalang na sana walang defect ang baby mo di ba mas importante naman yon? kami ttc pero di pa din nagbibigyan ng baby after ko makunan. πŸ™‚ Ang swerte mo nga. 2 girls na din anak ko and hoping for a 3rd baby na healthy.

ako talaga pinagparay ko na baby boy ung mging first baby ko.. dlaga plang ako gsto ko na ng baby b0y..then nung 35 nko, kinasal nko.since that day, lagi ako ngddsal..aftr a year, nkabuo kmi ni hubby. then nung pwede na mlamn gender, ang saya ko kse baby boy..πŸ€°πŸ™β˜Ί pero kht ano pa man ibgay ni Lord, mgging thankful ako..kse bunga un ng pgmmhalan nmin..

hi sender! D ba po mas masarap sting mga mommies makita nating healthy ang ating mga baby? Tska be thankful pa din po kahit baby girl ulit kasi ang daming mga mag partner na walang baby ang hindi mabiyayaan. Mainam po kayo at kahit labag sa loob ninyo ang baby girl nyo eh mapalad pa din po kayong nabiyayaan .. Kaya siguro mamsh yakapin mo nalang po NG husto ang biyaya ni Lord sainyoπŸ™

d naman po sa panget na opinion ang pag sasagot q sainio pero be thankful kz nabiyayaan ka ulit ng anak. unlike others. lahat gngwa mag ka baby lang sila. atleast for the 3rd tym nabyayaan ka ulit. iba nga halos ubusin na ang yaman para lang mag ka anak. wag ka ma sad kng babae padin ang anak mo. bless sau ni god yan... ma swerte kayo saka kht anu gender yan mahalin mo po....

Maging grateful kana lang po. Ang iba nga po ay di nabiyayaan. Naintindihan kita dahil d nasunod ang gusto mo kaya ka malungkot. Maging grateful na lang po Mi. saka malay mo yan pinag bubuntis mo sya pala ang kauna unahang Cum Laude sa pamilya nyo, or artista, president kaya mag isip ka na lang ng masasayang bagay pra d ka malungkot. Blessings yan ni Lord. Amen. πŸ™

SUPER THANK YOU MGA MOMMY SA LAHAT NG COMMENT NAKAKAPAG PA LUBAG LOOB ,MASARAP SA PAKIRAMDAM LAHAT NG SINABI NYO LAHAT KAYO AY TAMA lumakas ang loob ko gumanda ang pakiramdam ko.. sabi nga ng asawa ko ok Lang daw babae mahalaga Malusog.. β™₯️β™₯️β™₯️😍πŸ₯°PERO SUPER DOUBT TLGA AKO sa ultrasound ko kanina kaya feeling ko boy na.πŸ₯°πŸ₯° πŸ˜πŸ˜πŸ˜‡πŸ˜…πŸ˜….

yeeeeey! ganyan lang mi.. just be grateful nalang po tayo. kami nga ni hubby matagal bago nabiyayaan ni Lord ng lifetime gift.. kaya sabi namin kahit ano pa gender, tatanggapin namin pero gusto talaga sana namin baby girl.. but still His will be done. be happy lang mi. πŸ₯° after all, anjan naman hubby mo na nagsusuport sayo at sa babies nyo. ❀ God bless you always po

I was hoping din po na sana babae tong pinagbuntis ko ,malaman namin ang gender ni baby nung ngpa CAS ako medyo nalungkot kasi lalaki ulit pero tinanggap ko po yun. sabi ko sa sarili ko "okay lng khit boy ulit basta healthy lng siya palagi" yun kasi ang pinagkaloob ng ☝️ .ngayon excited akong makita siya next year ❣️ Qouta na khit 2 boys sila ..

Ok lang po yan mommy mgpasalamat na lang tayo kung anu ang bngay sa atin ni papa god ako po puro boys naman ngeexpect sana kami ng baby girl ngayong buntis ako pero boy pa rin cguro kaya puro boys ang bngay saken kasi cla yung totoong mga lalake na mgmamahal sken habambuhay kaya never ko pinagsisihan kasi sla yung pinakamagandang bngay saken ni papa god.

gusto ko at ng asawa ko girl, pero ewan 2 months pa lang yung mother instinct ko naramdaman ko na na Boy sya. and napanaginipan ko din. kaya nung sure na na boy kahit na nagulat lahat ng ngexpect ng girl, we choose to be happy na lang din. ang importante may baby na kaming hinihintay. kahit ano pa ibigay sa atin for sure mamahalin natin sila ng sobra.

Hi mommy wag po kayo malungkot o ma disappoint be thankful nalang po tayo kahit anong gender ang binigay ni Lord. Ako I was diagnosed with blocked fallopian tube nag sasave na kami for IVF pero with God's miracle nabuntis ako kaya happy kami kahit anong gender ang bigay ni Lord and malay mo baka may reason sya bat girl pa din binigay nya sayo. 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles