80 Replies
I understand and feel you Mommy. Gusto din namin boy ung baby namin. nung nag ultrasound kmi para malaman gender ni baby, baby girl ung results. Umiyak talaga ako non, gusto ko kasi baby boy talaga. My partner comforted me and yun nga, kahit babae man o lalaki ung baby namin, its our fruit of love. Going 3 months PP na ako mommy, at everytime pinasasalamatan ko si Lord, He gave me this beautiful baby. Minsan nga di kami makapaniwal ni partner na bibigyan kami ni Lord ng napa ganda at napaka bait na baby girl. Dont be upset if Baby Girl my, my purpose bakit girl c baby at you are more than blessed. Ung iba nga, di binibigyan ng anak.
mii naiintindihan kita, nung una na disappoint talaga ako dahil gusto ko talaga baby boy at ayoko maprone sa kapahamakan at mga masasamang loob ang baby ko katulad ng naranasan ko kaya gusto ko talaga baby boy, pero nag laon natutunan ko nadin tanggapin siguro may plano si Lord kaya ganun binigay nya, gayunpaman gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang babygirl ko at walang makakagawa sa kanya ng masama. Supportive naman ni mister kahit noon paman bukambibig nya din na sana boy ang panganay namin. Inisip ko nalang sana maging maayos ang baby at mailabas ko syang malusog at walang anuman kahit anong problema. 😇😊
okay lng po yan momshie... normal makaramdam ng pagkalungkot lalo na iba yung inaasahan natin pero sana ay mapanatag ka at laging isipin na magpasalamat sa Diyos dahil nagkaroon po ulit kayo ng baby dahil yung iba po hirap magka anak. Lilipas din po yan, deep inside nandoon pa din yung nurturing care mo bilang isang nanay. Nasasainyon na po yun kung mag dadagdag pa ka yo ng another boy or family planning na po depende naman po yan sa kakayanan nyo mag asawa. God bless momshie..malalampasan mo rn yan... importante healthy kayo ni baby.
Hoping for a baby boy din sana ako sa 2nd pregnancy ko. Gusto ko din non boy ang panganay pero puro girls talaga bigay ni God samin. Pero very thankful pa din ako kahit mga prinsesa ang binigay samin. Di naman kabawasan sa pagkatao namin kung wala kaming anak na lalake. Ang mahalaga mapalaki namin silang mabuting tao. We decided na 2 kids lang kami and we're done. Embrace it mommy. Wag ka malungkot. Yan ang blessing sayo you need to appreciate it para lalo pa tayo ibless ng magagandang bagay sa buhay natin.
2nd family n kmi Ng papa ko sa 1st wife 5 girls Ang anak nya Kya Nung pinagbubuntis dw ako Ng mother ko muntik na ako ipalaglag dhl nga gusto Ng papa ko lalaki nmn sna. Ngayon 27 yo nako ako na Ang favorite Ng mother ko dhl lht Ng gusto nya nabbli ko ako nagpagwa Ng bhay Namin at naigagala ko sya sa mga Lugar n hnd nya pa npupuntahan. Ngayon boy Ang anak ko kht gusto sna Ng husband ko girl. Masaya ako at proud s bby ko dhl sa mga napagdaanan ko lahat ay may lesson tlga. maging kuntento s lht Ng biyaya.
nailed it, contentment! gratefulness!
alam mo sender, naiintndhan kita. Mahal ko yung anak ko na babae, at hinihiling ko na sa 2nd pregnancy ko boy na. Kaya lng nakunan ako sa 2nd pregnancy ko. Feeling ko nga pag nagbuntis ulit ako, girl ulit. feeling ko hindi ako favored ni Lord sa boy. Feeling ko mas mahal ni lord yung iba kaya bibibigyan sila ng boy, hindi ko sinasabi na hindi ako blessed. Pero feeling ko mas favor ni Lord yung iba. Naiintndhan kita sender. Hayaan mo na ang mahalaga malusog
Hello, mommy replier. Nakakalungkot naman ito. Hindi pamantayan ng pabor o pagpapala ang kasarian ng anak natin o di kaya ang pagtugon o hindi pagtugon ng Diyos sa mga hiling natin. Dahil may mga taong hindi naman tinugon ang hiling nila, pero tinuring silang pinagpala, lalo na sa Bible. Ang pinakamabuti sa lahat ay kilalanin natin ang Diyos at magpasalamat sa Kanya sa lahat ng meron tayo. Pero tama ka, ang mahalaga malusog si baby. ❤️
Hi, Mommy. Nakakalungkot nga kung umasa ka na boy ang gender ni baby, pero iba ang kinalabasan. Ramdam ko ang frustration mo. Pero may mas maipagpapasalamat ka naman kahit hindi naibigay ang mismong gusto mo. For one, may bago kayong baby na darating sa family niyo. Isa pa, wala ka namang nababanggit kung may anumang problema sa pinagbubuntis mo, kaya isa ulit na maipagpapasalamat 'yun. Ingatan mo ang sarili mo mommy pati si baby. Iwas sa stress at alalahanin para pareho kayong maging okay at malusog ni baby. ❤️
aq Po was praying, dreaming and hoping na baby girl pero boy Po Ang binigay ni Lord e. greatest dream ko na magkaron ng girls na anak. medjo nalungkot din aq nung una kse di ko alam pano papalakihin baby boy. I was thinking na qng girl madaling damitan, etc. pero anyway ok na ko now since low maintenance pala kpg boy tsaka ito ung blessing ni Lord e so mamahalin namin si baby ni matter what. 🥰 there's a reason behind everything Po, may better plan saatin Ang Lord. ❤️
Amen! 💯
nramdmn q to nung 20weeks aq ngpgender yun n nga umasa kc aq n gurl kc gusto q girl pangany... cguro mga mhigit isang araw dn aq ndisconnect s reyalidad n buntis aq.. pero sino b nmn aq pr mamili yun ang pngkaloob ni lord at 9 yrs dn nmin hnintay... ang gnawa q ngtingin aq ng mga gamit n baby s shopee at ayun nkblik n q at nrelax n din... nkblik n s focus ng journey ng pgbbuntis. Ngyon 1 en half y/o n baby aj q...
Sender wag ka nang malungkot, ako nga 3 baby boy gustong gusto namin ng baby girl pero eto ang binigay samin. Noong una nadisappoint din ako pero sabi ng asawa ko basta healthy ang bata at normal okay lang kahit ano ang gender. Unang una hndi naman pinili ng bata na tayo ang maging parents, blessing sila sa atin. Huwag ka nang malungkot kasi baka mafeel ni Baby yon. Praying for your safe pregnancy and delivery.
Anonymous