Vaccine

Sana may makapansin? Okay lang po ba na maskip ni baby yung scheduled vaccine nya? Last April 29 po kasi yung scheduled vaccine nya sa center tapos nung pag punt namin ng center wala po yung attending nurse na magbibigay ng vaccine nya, at sabi din ilista nalang daw po for next schedule si LO at tatawagan nalang daw ako para iwas sa labas si baby gawa ng may pandemia, up until now magkakatapusan na ng buwan hindi padin po ako natatawagan ng center for vaccination ng baby ko. Nagwoworry po kasi ako na baka masama kay baby na maskip nya yung vaccination nya ☹️ going 6months old na po baby ko sa June 9. Thank you po in advance sa mga advices nyo ?

Vaccine
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. Same tayo ng b-day ng baby. Sa center din ako nagpapaturok. Ako naman dapat Mar. 20, 3rd dose na nya ng Penta-Hib at OPV kaso dahil sa ECQ that time hindi rin sya nabakunahan. Pero nitong nag MECQ na, nag-resume na ulit ang vaccination program sa brgy. namin kaya this May 17 lang naiturok yung 3rd nya. Next month pa ang start ng PCV. Pero tapos na sya sa Rotavirus Vaccine.

Magbasa pa
5y ago

oo, nakaka paranoid nga pag ilalabas si Baby sa panahon ngayon, kaso need din naman nila ng bakuna. Nung dinala ko si baby nakatalakbong ng manipis na lampin tapos hindi talaga ako lumalapit sa ibang tao. Good thing dito sa center sa may amin hindi crowded ang tao sa loob ng center, walang pila. Sa may bungad ng center ang turukan, after turok uwi agad. Wala muna timbang kaya hindi ko na alam latest weight nya, ang ginawa ni mister nagorder na lang ng weighing scale sa shopee. Oo mahal sa pedia ang vaccine.

Hindi po recommended alamin niyo dito mumsh https://ph.theasianparent.com/delaying-baby-vaccine

Related Articles