"Siraulo daw ako"

Sana mabasa niyo po ito. 2013 Grumaduate ako ng 2 years course at the same time.. Wala na non si mama bago ako nakapagtapos. :( 2013-2016 Ito yung mga panahong nagtatrabaho ako para sa pamilya ko. Pero di tuloy tuloy dahil contractual lang.. Lahat ng kailangan sa bahay bumibili ako plus yung pera na bigay ko kay papa.. As in budget ko lang para sa susunod na sahod ang lagi kong itinatabi.. 2018 Nung nalaman kong buntis ako.. Nagtatrabaho pako ulit nung time na yun. Kahit alam kong bawal, itinago ko parin dahil sa takot kong sumbatan ako ng papa ko pag nawalan ako ng trabaho.. Dumating pa sa point na ginusto ko pang mawala yung bata para lang di ako mahinto sa pagtatrabaho.. Pero syempre wala namang sekretong di nabubumyag kaya natanggal ako.. Sobrang stress at depress ko nun plus maselan pa ako magbuntis. Tinago ko sa bahay yung pagbbuntis ko dahil nga sa takot ko.. Si papa kasi mahilig uminom as in araw araw tapos minsan pa nagwawala.. Nung nasa bahay nalang ako, wala siyang ibang ginawa kundi pagsalitaan ako ng masasakit na salita.. Wala daw akong kwenta, palamunin, asa palagi sa magulang, walang silbi.. Lahat yun tiniis ko.. Umiiyak nalang ako.. Ngayon, 2 years old na anak ko simula nung nakapangak ako pero ramdam ko parin yung stress at depression.. Ang hirap lalo yung palagid mo hindi suportado sayo.. Lahat may masasabi.. Lahat may kumento.. Gusto kong magtrabaho pero wala akong magawa dahil walang magbabantay sa anak ko. Sa sobrang pagnanais kong makapagtrabaho, para akong tanga na nagtatanong kung kani kanino na baka pwede akong mamasukan ng kasambahay, labandera, kusinera, taga linis, taga masahe.. kaya lang baka pwedeng kasama ko anak ko.. Nagtitinda naman ako ng meryenda kaya lang mahirap kasi dahil nasa labas ka dapat.. Tapos ayaw na ng kinakasama ko dahil maliit lang daw ang tubo tapos pagod pa daw. Eh ako naman kako ang namimili at nagluluto.. Nagsuggest pa ako na baka pwede akong maglako o magtinda sa labas ng bahay basta kumita lang.. Kaso sabi naman sakin, kung anu ano daw napag iisipan ko. Parang nawalan tuloy ako ng tiwala sa sarili ko.. Naisip ko kasi baka kapag pwede na ulit ako makapag apply ng trabaho, wala nang tumanggap sakin.. 26 palang naman po ako ngayon.. Pero syempre yung itsura ko noon at ngayon ibang iba na.. Nakakalungkot lang dahil marami naman akong kayang gawin pero wala man lang maka appreciate.. Mama ko lang talaga nakapag malaki sakin sa ibang tao.. 😭😭😭 Salamat po sa pagbabasa. Gusto ko lang talaga mag share dahil wala akong nakakausap.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

πŸ€—Be strong palagi. πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Post reply imageGIF

Try wfh sis