Ang lungkot

Sana lahat ng asawa naiintindihan yung cravings mo, like supportive sa paglilihi mo. Yung sakin kasi minsan ipprovide niya nga pero halatang wala sa loob. Yung parang nasasayangan sa pinambili ganun, o di kaya hindi bukal sa loob yung pag bili. 21 weeks pregnant nako, yun lang naman nararanasan ko hindi ako nagsuka o nagkaron ng morning sickness kahit kailan. Ang babaw pero nakakalungkot talaga kasi nahihiya kapa mag demand ng gusto mo kahit alam mo namang kaya kahit papano. Naiingit ako dun sa mga mommy na naranasan yung magigising ng madaling araw dahil may gustong kainin tapos ibibili sila ng mister nila kahit antok na antok. Never ko naranasan yun :( never kong naramdaman yung extra effort ng asawa ko. Nakakaingit sobra, ang lungkot ko nalang lagi pinipigilan ko yung cravings ko lalo na nung first trimester ko grabe pagpipigil ko haaayy?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag malungkot mommy. Nakakasama talaga sya ng loob pero iisipin mo na apektado si baby sa nararamdaman natin. Kung di sya kagaya ng ibang asawa na ineexpect mo po, ikaw ang magspoil sa sarili mo ng mga cravings. Makakatulong pa yun for the baby. Iba ang impact ng feelings natin sa mga unborn baby natin.

Magbasa pa
5y ago

Gustuhin ko man pong spoil yung sarili ko wala din naman akong income huhu