Please help
May same experience po ba dito na normal na malikot ang baby tapos bglang d maramdaman yung galaw? Nag LBM din ako ngayon. Nagpa tugtog na ako at uminom ng malamig na tubig pero d ko pa din nararamdaman gumalaw. Mamaya pa kasing hapon ang OB ko. Nag wo-worry na ako.
May time din na ganyan baby ko minsan 2 days syang di ganon kagalaw ang ginagawa ko pala kain ako ng chocolates non den kinagabihan sobrang galaw na nya hanggang sa di ka patulugin sa galaw nya ayun araw araw na sya magalaw simula umaga hanggang sa pag tulog. Lagi na akong may stock na chocolates tas malamig na tubig lang ginagawa ko pag di ko sya ma feel ng buong araw.
Magbasa paMommy, naginform ka na po sa OB mo about sa concern mo? May ibang OB po na nagbbgay instructions sa assistants nila usually midwives mga un to check if ok si baby kung may clinic hrs pa sila sa ibang hospital. Para lang po nasa safe side kayo and mapanatag din. Sensitive kasi ako sa mga ganyang issues because of my experience. Try nyo lang po maginform sa OB nyo.
Magbasa paKamusta mamshie ang pag visit mo sa ob mo...kase ako nun nag lbm 31weeks ako 4x ako pabalil balik sa cr....nagpacheck ako agad sa ob kahit hndi ko pa schedule...buti nlng kase nag pepreterm labor nako nun...sign ng preterm labor yung lbm....naagapan naman kaya nlng bed rest ako until nung nanganak ako
Magbasa paIf 3rd trimester po tlaga nalelessen na ang galaw ni baby dahil nag eexpand n po ang uterus natin nawawalan n cla ng space. Sabi po ng OB ko katukin ninyo wag haplusin ang tyan tapik tapikin ng kaunti para gumalaw sya. 90% din silang tulog kadalasan kpag kabuwanan na.
Normal lang minsan sis minsan nagalaw siya pero di lang po talaga natin ramdam kasi nakaharap siya sa may likod mo so mostly dipo natin mararamdaman mas nararamdaman po natin siya kapag nakaharap sa may pusod. Pero huwag ka masiyado mag worry mommy😊
Ganyan din ako last time nung nag'LBM. Nakaka'paranoid. Ang ginawa ko hinaplos haplos ko lang tiyan ko at kinausap ko si baby na gumalaw tsaka humiga ako ng pa left side. Gumalaw naman siya pero di madalas tulad ng dati. Naging malikot nalang kinabukasan na.
Try mo sis kumain ng sweet tapos humiga ka patihaya..then pag wala pa din wait mo na si ob..usually ang nakakatakot eh ung pag 24 hours daw wala ka talaga maramdaman..punta kana sa d.r non for fetal heartbeat monitoring..
Ganyan din sakin nung sat and sunday out of town kasi ako pansin ko ang dalang ng movement niya tsaka hapon lang siya gumagalaw. Pero ngayon gumalaw na siya kanina umaga. Then observe ko p ngayon. Nakaka paranoid😣
mamsh ilang months na po ba? may time po talaga na hindi malikot si baby... nalimutan ko na anong month yun eh parang mga 26 weeks ata...parang natulog/nagpahinga lang si baby. inom ka.chocolate mamsh. hehe
21 weeks po. Sobrang likot po kasi nito kaya parang naninibago ako.
Same situation. I was paranoid too. Good thing lagi ko chinicheck yung pregnancy tracker. May stage po na mas lagi silang tulog kesa gising.
Working Mommy