Miscarriage

May same case po ba sakin dito 8weeks naging pregnant then sabi po ni OB di po makapit kaya kusa na lang daw po lalabas di na po ako naraspa, nabuntis po ba kayo agad? Thanks po sa sasagot

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako sis, nakunan ako while I was 7 weeks and 1 day. May 11, 2021 nun at hindi din ako niraspa kc kinabukasan schedule ko ng transV at wala ng nakitang baby. Nailabas ko na daw sya nung dinugo ako at sumama naman lahat kaya no need ng raspa. Pero pina-serum beta hcg test pa din ako to make sure na hindi sya ectopic pregnancy, so far na-confirmed na miscarriage na talaga. Then nag-do kami ni husband ng June 2, 2021, after ilang weeks nararamdaman kong bumabalik ung mga pregnancy symptoms ko like masakit na boobs, antukin at prang may something sa tyan ko. Nag-PT ako ng June 22 at 23, 2021 both positive ang result. Nagpa-check up ako sa OB and tuwang-tuwa sya kc kakaiba daw yung nangyari saken, after ko makunan nabuntis agad ako at hindi pa ko nagka-mens nun . Nagpa-transV ulit at this time kita na c baby at may heartbeat na sya at exactly 8 weeks. 17 weeks and 1 day na po ako Today and very thankful for our miracle baby sa mabilis na pagbabalik nya. Excited na kami malaman ang gender nya. Pray ka lang sis, may magandang plano c Lord para sa inyo. πŸ™πŸ˜Š

Magbasa pa
3y ago

same po tayo ng ginawa last month lang po ako nakunan then nung Sept 3 nag-do po kami then now po parang bumabalik po yung feeling ko nung nagpositive po ako, sa Wed po sched ko ng transV di muna din po nagbigay ng gamot OB ko to be safe, continues ko lang daw po vitamins ko.