Anonymous Confessions: Mother-in-law

Sakaling magkaroon ng hindi pagkakaintindihan between you and your mother-in-law, sino sa tingin mo ang kakampihan ng mister mo?

Anonymous Confessions: Mother-in-law
232 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako. Ever since naman alam ni hubby attitude ko. Hindi ako sumasagot sa biyenan, respeto ko na din sa hubby ko. Kaya malayo loob ko sa MIL ko kasi nabasa ko chat na bigyan daw ng babae si hubby kasi daw hamak na teacher lang ako at maliit ang sweldo dapat daw nasa banko ang dapat pakasalan ni mister. Kaya simula nun, ayaw na ayaw ko na sa mil ko kasi ang plastik. Hanggang ngayon, inaaway ako ng MIL ko about sa pera, peri di ko na pinapatulan. Ako palagi kinakampihan ni mister, di na din kinocontact nanay niya kasi hingi ng hingi ng pera. Take note, bata palang si hubby iniwan na sya ng mama nya at sumama sa kabit nya. Bumalik lang nung lumaki na si hubby at nagkatrabaho. Kasal na din kami kaya di na ako affected sa mga parinig nya bahala sya ma highblood hahaha

Magbasa pa

Ako...naranasan ko na yan talagang pinaglaban nya ko at my words pa husbond ko na...."wala kayo magagawa kung sya pinili ko dahil di kau pakikisamahan ng asawa ko ipaglalaban ko sya dahil tinanggap nya ko sa kung ano ako at meron ako"di ko makakalimutan yun time na yun dahil mismong mother inlaw ko pa gumagawa ng paraan para magkasira kaming mag asawa tinatawagan pa ex ng husbond ko para makisali months pa lang kaming mag asawa nun..pero di kami pinabayaan ni GOD basta sya ang center ng relationship ng magasawa pagtitibayin nya talaga..now we are 7 years ng kasal at magkakababy na next month..super excited na kami..but alam namin na madami pa kaming tatahakin basta lagi namin sinasabi kapit lang at walang bibitaw..nashare ko lang naman hehehe

Magbasa pa

Depende sa sitwasyon. Pero usually, sakin sya kumakampi kahit papano. Alam naman kasi nya sa sarili nya ang ugali ng mama nya eh. Kaya pinapagalitan or sinasabihan nya din. Sakin naman, syempre kahit nakakainis minsan ugali nya (byenan) di padin pwede mawala yung pag galang at respeto ko sakanya. Di naman ako pinalaking bastos ng mama ko. At syempre ayokong gawin din yun ng asawa ko sa mama ko. Just to be fair diba. Tsaka may edad na din kasi byenan ko, so dedma nalang talaga madalas. 😅 or sanayan nalang din ganun.

Magbasa pa

Ako. alam ng asawa ko ugali ng nanay niya. Di lumaki sa pagmamahal ng nanay yung asawa ko, ngayong nakaluwag-luwag na asawa ko panay hingi naman ng pera. kaloka. 😂 and alam dn ng asawa kong nagtitimpi ako kada hingi ng nanay niya. Maluho kasi. E samantalang ako kung di pa ko pipilitin ng asawa kong bumili ng bagong panty, di talaga ako bibili kasi gusto kong sa pagkain at pangangailangan ng asawa ko napupunta yung pera. 😅

Magbasa pa

Kampihan nya mama nya. Pagsasamahin ko silang dlawa dun na sya sa mama nya. Lalo na napaka plastic ng mama nya. Kung kumilos kala mo wlang gnwa mali sakin tapos kala mo wala lng un . Ung nilayasan ako ng asawa ko tapos hinanap ko s knila hndi daw nila alam kung nsan . Tapos nalaman ko nandun lng pla asawa. Ang galing nila magsinungaling mag ina nga sila

Magbasa pa
VIP Member

Me. So far ngayon nagkaproblema kami ng mother nya, ako/kami pa din ng anak namin ang pinili nya, pero lagi kong sinasabi sa partner ko na kahit anong mangyari dapat piliin nya yung nanay nya, kaso kung ano ang magiging desisyon nya wala na akong magagawa doon. 😊 hindi kasi talaga natin maiwasan na magkaroon ng byenan na impakta at pakialamera. Hayyyyyy🤦‍♀️

Magbasa pa

Hindi sa nakikita ko kasi mas mahal nya parents niya compare sa akin.. Kahit ano mang oras pwedi nya ako palitan.. Pero yong parents nya kahit anong mangyari parents nya yon di na mapapalitan yon..makikisama nalang kaya di nalang magkikipag debati pa tatahimik nalang..Mabait naman kasi si hubby wla akong maireklamo sa kanya.. except lang sa pamilya niya..

Magbasa pa

Honestly mama nya.. pag ikaw kausap ikaw.. kunwari naintindihan gumigitna pero pag nag away kau lalabas sa bunganga kung anuanu na kampi sa nanay nya. Tulad ngaun di ko kinakausap nanay ng asawa ko pagkalat ba naman na inaway daw sya para kaawaan. #BastosnaManugang daw Trending sa kamag anak nila samantalang wla kmi ginagawa sa knya mukhang pera eh..

Magbasa pa

Wala. Nanay niya yun at nanay mo na din yun. Dapat ikaw ang mag adjust dahil nanay mo na din yun. Ngayon kung halimaw talaga si mother in law, makikita yun ng asawa mo At kung mahal ka niya ipagtatanggol ka niya. Naniniwala kasi ako na kahit anong sama ng biyenan mo dapat hindi mawawala ang respeto mo sa kanila dahil kung wala sila, wala ang asawa mo.

Magbasa pa

Naku pi mahirap na tanong yan para sakin, alam ko pong mahal ako ng husband ko, pero magulang nya po yun at napaka laki ng respeto nya sa mama nya, pero kung sino man yung sa tingin nyang tama alam ko yun ang kakampihan nya, kaya nga sinisikap kong hindi magkaroon ng alitan samin ng mama nya, kasi nirerespeto ko din naman ang mama nya

Magbasa pa