Motorcycle Riding

Is it safe to ride motorcycle when pregnant? Hindi naman risky and careful naman sa pagdrive hubby ko? Is it okay kaya I'm in my 29wks of pregnancy. #advicepls #momcommunity

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Payo po ni OB sa amin noong buntis pa si misis ay “aanhin niyo ang motor kung hindi niyo gagamitin yan”. Huling ultrasound namin ni misis ay nakamotor pa kami, hanggang sa paghatid ko sa kanya sa hospital na may bitbit na go-bag. Sa mga nagmamaneho po ng motor, easy lang po sa daan at makakarating din sa pupuntahan. Sa mga sasakay naman po na preggy moms ay upong tagilid lang po lalo kung malaki na ang tiyan. Ang last advise pa ni OB “kahit lumundag lundag ka, kung kakapit yan ay kakapit yan” pero not all pregnant women ay same ang kondisyon. Yung may kaya at maselan po ay umiwas sa pagmotor pero tulad naming walang no choice eh alalay lang talaga. Ngayon 1 yr old na baby namin, mahilig magmotor at nakakatulog sa carrier kapag mahaba ang biyahe. Sanayan lang po, but still hindi po lahat pareho ang sitwasyon. Ang masasabi ko lang breast milk is still the best for babies haha. God bless po sa ating mga future nanay. Laban lang para sa baby.

Magbasa pa
Post reply image