Cerelac

Safe po ba yung Cerelac na kainin ng bata?

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mas maganda mamsh na hindi masanay si baby sa cerelac, as a first time mom yan ang advice sakin ng nakausap kong mommy, nagsisi daw sya na yun agad pinakain nya sa baby nya noon kaya ngaun picky eater at mahilig sa sweets daw anak nya while ung friend nya na inexpose sa homemade baby foods ang anak hindi daw pihikan at mahilig daw sa veggies. As of now talagang sinusubaybayan ko food ni baby, ginagawa ko talaga sya sa gabi like bnblend ko mga pinakuluang carrots o kaya kalabasa para sa umaga ireready ko nalang. Minsan oatmeal, nung una gngrind ko pa pero ngaung 7mos na sya hindi na tas hinahaluan ko nalang minsan ng mashed banana. Try to search nalang din ng baby food recipes, laking tulong

Magbasa pa

Safe naman siya, although cerelac is considered as a junk food. Mas okay if mag puree ka na lang ng gulay and fruits. Mas healthy at mas tipid pa po. Gusto din naman ng mga bata yan since di pa sila naghahanap ng certain taste. Paglaki hindi sila mahilig sa sugar at di pihikan sa pagkain. :)

May sabi sabi na Junk foods daw ang cerelec, pero siguro okay naman sya kase di naman yan ititinda kung hindi para sa baby.. much better daw yung quacker oats. papakuluan lang masyado para maging soft sya pwede lagyan ng gatas ni baby.. no sugar..

5y ago

Junk food talaga ang cerelac. Tamad niyo naman paglutuan at gawan ng home made veggies ang anak niyo..

VIP Member

ok naman siya after 6 months ni baby.. pero sabi nila magiging mapili sa pagkain ang baby pag laging yun ang ipapakain kaya mas better mashed fruits and veggies nalang para di mahirap pakainin ng gulay habang lumalaki

5y ago

instant po kasi yung cerelac.. mas ok parin pag natural

Sabi ng mudra ko, nung pinakain nya ung brother ko nyan naging mapili sa pagkain. Sya lang ang naging mapili sa pagkain sa aming magkakapatid kasi sya lang nakatikim nyan nung baby pa.

Safe naman sya . Pero hndi advisable na ceralac ng unang . I offer veggies at fruits dapat . alternative nlang yung cerelac kse . May preservatives padin yun . at matamis baka magng phikan sya

hindi recommended ang cerelac para sa 1st food ni baby. Nagiging picky eater ang bata. Much better daw un mga gulay gulay. un di masyado malasa. haluan mo breast milk un mga mashed veggies.

VIP Member

6 months and beyond po momsh, pero its best pa din na home cooked food with less salt and no oil :) para masanay sya at hindi maging mapili. Fruits and veggies din po

Ok naman po siya pero mas maganda po kung magsteam po kayo ng gulay and then mash it po mix niyo po with formula or breast milk para medyo mag iba ng consistency.

5y ago

Opo ok din po ang formula milk

Mommy, sali ka sa fb page na 'to. "Tamang pagkain for babies and kids" Madmi ako natutunan sa baby foods, kakasali ko lang☺️