13 Replies

Delikado mashadong umangkas sa motor, pero ako nuon matigas ang ulo angkas parin ako sa motor pag may lakad kami ng husband ko. Pwede naman siguro basta nakapang babae yung way ng pag upo and dapat di mashadong ma alog. And since may masakit sa private area mo po pa check ka po sa OB mo, di po normal yan. As per walking sa first trimester, its a big NO NO po dapat pahinga ka pa po. Start walking by the middle or your 2nd trim mga 5 months pero pa unti unti like 2 to 3 times a week lang muna hanggang araw arawin mo na pag papalapit na sa due date mo.

delikado kung high risk ang pregnancy mo.. i mean kung prone ka sa laglag.. pinagbawalan din ako ng OB ko kasi daw matagtag, e mas matagtag pag nagccomute going to work.. kea hubby and I decided na mag angkas n lang ako sa motor kapag hinahatid/sundo nya, kasi mas makakapagingat sya sa pag mamaneho, tas lagay ka na lang cushion, side view ka na lang din :)

Bawal po. Talagang nag sasacrifice ako mag grab everyday to work para mabawasan pagkatad-tad sa commute. Pag uwi naman nag co-commute ako pag naalog lang yung jeep or mabilis mag patakbo drivrr hinahawakan ko pa tummy ko para hindi ganun ka bounce. Pag 3rd trimester lang daw pwede matadtad para hindi mahirapan manganak. 😊

Pansin ko nga mas best yung side na un or sa gitna. Di ganun ka alog..

Sabi po nila bawal...pero matigas po ulo q noon nag drive pa rin po aq ng motor tas simula po nung nabuntis aq hanggang 8 months lakad po aq ng lakad halis araw araw po yun...makapagpahinga lang po aq pag weekend po pabalik balik aq manil to cavite pero salamat sa Dios healthy nman c baby 1 month old na po sya now....

Sakin momsh first mom ako pero nagmomotor ako turning 19 weeks tummy ko nag try kami ni hubby may commute pero di keri mas matagtag sa ibang ssakyan like pedikab tricycle at jeep unlike kay hubby every time may hamps slow lang sya 😊 So far naman walang bleeding na nangyare ☺️

VIP Member

ask your ob po sis if any case you are high risk. lalo na if nakakaramdam ng pagkirot sa pempem..baka kasi sign na low lying ang placenta mo kaya ganun. or incompetent cervix mo. pero as long as ok naman daw, safe naman maglakad lakad wag lang sobrang pakapagod ka.

advice po saken ng OB na bawal magride sa motor, at maglakad lakad kasi matatagtag ka. same here nsa first trimester din po aq mommy. maselan po ang first trimester mommy.

Better mamsh ingat ka muna. Dahil pinaka delicate ang 1st trimester. May maselan and meron din hindi. Usually 2nd trimester mas safe na tayo kumilos.

No. Bawal maki angkas sa motor o ikaw mismo magmotor. Ingat ingat din nga pag may humps na dinadaanan yung sasakyan.

TapFluencer

Sa first trimester po medyo delikado pa kya dapat maging maingat at hindi po safe kapag na angkas sa motor.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles