All About Hilot
"Safe ba magpahilot?" Dapat ba magpahilot? Ok first of all pasintabi muna sa mga naniniwla sa hilot. Bali I will share lang based on medical studies and based on my experience na din. Karamihan po sa atin dito lalo na dito sa pinas we respect and we admire hilot a lot. Mga kanununuan natin sa hilot naman talaga sila lumaki. Unang una po year 2014 ng naipasa ang batas n nagpaparusa sa mga hilot kasi based on statistical studies mataas ang rate ng mga namatay na bata and nanay due to hilot. Ang babae nasa womb palang tayo nadevelop na reproductive system natin meaning hindi na po yan mababago manually by hilot. No such thing as mababa ang matris kaya hindi nbubuntis or masakit pag nakikipagtalik. Now sa experience ko ang hilot ang unang caused ng mga emergency case naman. It caused BLEDDING, MISCARRIAGE , PRE TERM LABOR and DEATH. May case ako nahawakan na ang sabi nagpahilot kasi suhi c baby after hilot sumakit ang tyan nag bleed pumutok ang water bag. So nung nilabas ang bata durog ang ulo, pati placenta and si mommy sumunod s baby due to severe blood lost. Napapansin niyo ba na mading CENTEE, PUBLIC LYING IN and PRIVATE LYING INN na ngayon? Dahil sa programa ng government yan to avoid na ang tao lalapit pa sa hilot. Nasa batas natin na pwedeng kasuhan at makulong ang isang hilot. Kapag may nag complain dadamputin po agad sila. Ang bata po kusang umiikot yan, hindi po yan manually na maayus ng manghihilot. We wait until pomosisiyon c baby. Meron lang talagang cases na talagang until sa birth suhi sia kay most probably po na cs ang mommy. Now sabi pa maskit ang balakang baka mababa c matris or si baby? Mygod kaya maskit ang balakang kasi dalawa lang yan either my infection c mommy or mahina kapit ng bata. Si midwife and ob my tintawag na leopolds manuever. Pagkakaiba lang kasi sa ob kapag nag perform ng leopolds manuever my guideline cla using utz. Pero bihira yan gawin. Di yan pwede sa high risk pregnant women. Si midwife train naman sila jan pero hindi ibig sabihin na iikutin nila si baby leopolds manuever ginagawa para malamn exact position ng bata. Yes totoong bawal sa bhay manganak, but during emergency cases po kung nakalabas na ang bata need isugod sa hospitl kasi bawal na po pumirma ang hilot s birth certificate. Ok additional to hilot po kapag nag do daw na msakit mababa dw matris ntatamaan kay dapat ipahilot mali po un. Kasi walang mababang matris may mga dhilan ang painful sexual interncourse.Saka magduda kayo sa pulso kapag ang ginamit na pampulso saiyo is yung hinlalaki di po un tama. Merun kasi tayong tinatwag na therapeutic massage done by proffessionals. Ito yong masahe na pwede gawin kasi alam nila ang mga di dapat hawakan at anong pressure lang dapat. But not recommended sa traditonal hilot. Kapag sa hilot tayo na hindi well trained may temdency na yong bagong panganak mag bleeding. Hindi ko denedegrade ang mga hilot pero alam niyo ba my programa para sa kanila tinatawag sila ng government para kumuha ng lisensia ung matrain sila libre pero karamihan mas naniniwala sa sarili nilang kakayahan.