10 weeks and 4days pregnant
Sadya po ba sinisikmura pag buntis tska tamadd kumain Di nauubos Lagi kanin
same case here. pina check up ako ng hubby ko and then pinag laboratory ako ng doctor ayun nga dehydrated ako kase halos wala ako kinakain buong araw.. lagi masama pakiramdam ko at di ako nagkakakain ,na stress n nga yung hubby ko sakin, baka kung mapano na daw yung anak nya sa loob ng tummy ko maawa daw ako pilitin ko daw kumain.. tapos sabi nga ng doctor dehydrated ako possible ma confine ako para lagyan ng iv. parang magsisilbing pagkain yung ng katawan ko at ni baby kaya kung ayaw ko daw maconfine dapat daw magkakain ako at inom ng maraming tubig.. pero ngayon nag 9 weeks na si baby sa tummy ko medyo may gana na ko ng konti kahit papano kumain gingawa ko dinadaan ko nalang sa candy para mag consume ako ng more tubig pero ang kinekendi ko is yung yema tapos puro gulay lang din at tapos crakers lng like magic flakes and then now umookey na kahit papano pakiramdam ko.. sbi nila mawawala din to pag nag 5months na lalakas naman daw ang kain ko non 😅
Magbasa paganyan din ako sis.. gang 4mos ako sumuka at di makakain.. ng ka UTI DIN AKO kasi di na ako makakain at makainom.. di ko din mainom yung reseta sakin na gamot ng ob ko.. folic acid lng kasi need tlga.. more water at buko juice lng sis..sobra nmayt ako.. pag pasok ko ng 6mos.. sobra takaw ko na 😅 tiis lng sis..
Magbasa paNasa stage ka po ng paglilihi ganyan rin po ako, Tas minsan po halos wla akobg gustong kainin as in wla po. Pinipilit ko po kumain pero nakakadalawang subo lang po ako. until now 17weeks n ako, minsan ganon pa rin. pero mas malakas na ako kumain kesa nung mga ganyang weeks pa.
Parehas po tayo sis halos di ko na maubos 1 cup na rice ngaun at malapit na ako mag 14 weeks kaya hindi rin ako nataba hehe. At nakakaramdam pa rin ako nag pagsusuka until now.. Tiis tiis muna tayo 😌
Opo, bawiin mo na lang momsh sa water and milk para di ka madehydrate and para okay din growth ni baby. Ganyan talaga pag naglilihi minsan nga ayaw mo na talagang kumain.
Ako naman 10 weeks and 3 days preggy walang paglilihi na naganap kaya lahat kinakain ko panay foodtrip nga ako ngayon pero parang bilbil parin tyan ko 😆
Normal cguro kc ako konti konti lng din kumain pero kpg naramdaman ko mahapdi tyan ko kumakain ako skyflakes tapos enfamama or yakult. Then more on water.
10 weeks and 4 days pregnant too😊😊 may iba po ganyan,ako kc di nag susuka o mapili sa pagkain..
Lilipas din ang lihi stage normal lang yan basta pag nagkakagana bawi agad ng kain😊
Same case po. Ung tipong gustong gusto mong kumain tas pag nanjan na ayw mo.🙄