Sad reality
Sad reality lang na yung iba bumili ng mga kung ano anong gamit ng bata. Tapos kung kailan manganganak na walang budget kahit pamasahe kailangan pa ipangutang. I have a friend lang kasi na recently pinagalitan ko. Sabi ko ilang months ka ba magbubuntis bago manganak tapos di kayo nakapagipon. Tapos makikita ko kung ano ano binili nya gamit ng bata which is medyo pricey na yung for sure di naman magagamit masyado. Pinagsabihn ko na magipon iba pa rin yung may nakatabi ka talaga pera kaso lagi sinasabi may makukuha naman sss. Tapos ngayon kabuwanan namobproblema na sila kasi di naman pala makukuha agad yung sa sss nya baka nanganak na sya wala pa. Ang point ko dito mag budget ng tama. Dapat alam natin kung ano needs vs. sa wants. Kung alam natin na di kalakihan ang kinikita matuto tayo magtipid at wag magloho ng sobra. Kasi ako nun nahandle ko naman kahit ako lng kumita nun walang trabaho asawa ko. Unexpected din pregnancy pero nakapagipon ako di ko umasa sa makukuha ko sss para sa panganganak ko gumawa talaga ako ng paraan para makapagipon. Buntis ako nun pumasok sa trabaho nagoovertime palagi para lng makaipon. So far wala namn nangyare masama sa pagbubuntis ko less than 2hr lng labor ko at sa bahay lng ako nalabor pagdating sa lying in isang ie at delivery room na. Anyway tinulungan ko po yung friend ko nakatanggap lng ng sermon sakin hehe
breastfeeding mom of two angels(1boy &1girl)