13 Replies

FTM din ako, gusto ko sana manganak sa Lying in dahil bukod sa mura, feeling ko ay mas aalagaan ako ng mga tao doon. Unfortunately, hindi raw sila tumatanggap kapag premie (first born child) dahil hindi pa alam kung maselan ba manganak ang nanay. Wala kasi silang life-saving equipment tulad ng mga nasa hospital, in case of serious emergency and complications sa panganganak. Normal naman lahat ng test results ko pero hindi na ko nagpumilit kasi alam kong para sa safety din naman namin ni baby yun. Ayaw pumayag ni hubby na mag-public hospital kami, wala sya tiwala kaya ending namin sa private hospital. Sa awa ng Diyos, madali naman ako nakapanganak kaya if and when my next time pa, sa Lying in ko na talaga balak na manganak ☺️ I hope may SSS ka. Dahil alam kong buntis ako, hinulugan ko yung max voluntary contributions for 6 months. 70k ang nakuha ko kaya nabawi ko rin yung ibinayad ko sa private hospital.

sana makahabol pa ako mi

mas okay siguro na may record karin sa hospital. just incase. ftm din po ako, una kong pinacheck upan lying in, pero ayun nga di nga sila nagpapaanak ng ftm kasi pinagbawal daw ng doh yun sa mga lying in. BUT yung OB ko ay affiliated sa other hospitals, so if balak ko daw na sya parin magpapaanak sakin itatransfer nya ako sa hospital kung san sya affiliated. kaso umatras lang ako kasi napaka mahal sakanya 😂 ginawa ko is, nagpa record narin ako sa hospital. affiliated din ng ibang hospital OB ko dun. and sakanya ko na balak hanggang sa manganak nako. explore ka muna mommy, wag iisang clinic lang pagchecheck-upan mo. kung san mas panatag na loob mo, dun kana!

hospital if ftm po lalo kung di mo pa alam pano ka maglabor or manganak. pwede ka magprivate OB sa public hospital. maraming OBs na may private clinic pero affiliated sa mga public hospitals. just like my OB po., st luke's sya at the samentime may public hospital affiliation sya sa parañaque. so ikaw nag pipili kung san mo type manganak.. also may mga lying ins (not all naman) kasi na di natanggap ng ftm. kaya ask na lang po kayo kung gusto nyo talaga sa lying in..

FTM here 32 weeks preggy, gustuhin ko mang mag lying in kasi malapit the fact na FTM ako at may mga risk since di ko pa alam kung ano mangyayari mas better if rekta hospital kana muna kasi atleast don kumpleto sila lahat unlike sa mga lying in na pag may nagka problema na beyond their experiences at di nila alam kung pano aagapan e sure dadalhin ka padin sa nearest hospital. kaya for me hospital na muna

Sa 1st born ko sa lying in lang po ako nanganak sa province po un . Free lahat,pero may record din po ako nun sa hospital just in case d Keri sa lying in atleast may tatanggap saken lalo pandemic pa nun '2021'. Ska pag FTM po talaga sa ibang lying in d sila natanggap baka KC maselan Ka manganak tas d cla complete equipments.Ngaun sa 2nd born lying in paren dto nmn sa Laguna.

At first, I considered going to public hospital. kaso somehow I change my mind to Lying in nalang. and masaya ako that I made that decision kasi ako lang nanganak that day and inaansikaso nila ako agad agad kahit 3AM kami pumunta sa Lying in. doon din ako nag prenatal checkups so everything was fast. mababa din naman ang bill namin. so I suggest lying in nalang instead sa hospital

TapFluencer

Ako prefer ko sa hospital. Depende din sa public hospital. Sa amin kasi maayos ang pub hospital at kapag taga dito ka eh may discount pa. Mas maganda mommy ang hospital lalo kung maselan ka sa pinagbubuntis mo kasi may complete sa hospital pero kung d naman risky better dun ka sa lying in lalo kung dun kana talaga nagpapacheck up

ang alam ko po kapag ftm hindi tinatanggap sa lying in katulad po sa lying in clinic na pinagpapacheck apan ko, same din po sa mga lying in s brgy. center katulad sa tayabas, quezon kapag daw po ftm sa ospital nirerefer ng mga midwife ganun din kapag 35 years old pataas

kapag FTM po ospital lalo na kung bata ka ,like 15y/o tulad ko bata ako nagbuntis kaya nung FTM palang ako sa ospital ako hanggang sa pangalawa ko ospital paden ,ngayon sa private clinic na ako , and pwede kaden mag private clinic

Ako po sa lying in nanganak ftm po ako, tinanggap naman ako since may ob ako don and hindi naman ako high risk. Tsaka mas maalaga talaga sa lying in base sa experience ko nagtry na kasi ako magpacheck up sa public hospital

tingin nyo po nasa magkano ang gastos pag nanganak sa lying in , di rin naman ako high risk normal naman lahat ng lab results ko

Trending na Tanong

Related Articles