masama ang loob

saan kayo humuhugot ng lakas ng loob kapag nagaway kayo ng hubby nyo?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa mga anak namin at sa relationship namin. Gano man kaliit o kalaki ang issue pinaguusapan namin yan. Kasi ung maliit kapag di pinaguusapan di nyo namamalayan lumalaki pala at naiipon, tapos biglang sasabog na lang one day. Di kami natutulog na di kami naguusap at di nagkakaayos. Kahit tahimik lang kami magaway ramdam ng anak namin (3 yrs old) na di kami okey which is nakakapagpalungkot sa kanya. Madami kang pwedeng paghugutan ng lakas ng loob. Ask yourself bakit ka nagpakasal in the first place. Bakit cya ung pinili mo na makasama for the rest of your life. Di pwedeng isang pangit na ugali or katangian ayawan na. Maliban na lang kung major issue like you are physically/ verbally abused or paulit ulit kang niloloko. Weigh things po

Magbasa pa

Kapag nag aaway kame ni hubby lagi ko iniisp good memories nmen together. Tsaka if small things Lang nman lagi ako ask self ko if worth it ba ung reason para hndi mag usap Kasi sayang UNG time na nawawala sa every minute na hndi nag uusap so we learn to say sorry and let go sa misunderstanding na lng wag na Lang palakihin UNG mga bagay na maliit Lang nman mssra lang beauty nten Mahal ang skincare.wahaha

Magbasa pa

kami nag aaway kami dahil sa friends nya like kagabi nag away na naman kami pero isa samin unang nagsosorry , sya kagabi una nagsorry then nagsorry din ako , same kasi kami , ayaw nmin mag away ng ganun lalo na may baby na kami , ayaw nya na nasa iisang bahay kami kausap nmin baby nmin tas kmi di nagpapansinan lalo na matalino anak nmin, pag alam na di kami nagpapansinan ang ingay ingay 2mons palang😂

Magbasa pa
VIP Member

tuwing naiinis ako sa asawa ako, isa lang tinatanong ko sa sarili ko: worth it ba talagang pag-awayan? kasi kung maliit na bagay lang, let go na lang. basta alam niya kung saan siya nagkamali.

VIP Member

Kay Lord! Pray ka mommy. Tapos sa most trusted friends mo, kahit d mo idiscuss ang problem nyo ni hubby (kasi dapat kayo muna magusap about doon) but yung maging lighter ang mood mo.

VIP Member

Kay Papa God. At sa baby ko. ♥️ Kapag stressed ako sa asawa ko, pinakakalma ko sarili kasi, yung baby ang lakas ng movements niya sa tyan ko kapag alam niyang stressed ako.

VIP Member

Samin?? Uhm kapag maliit na bagay lang naman. Maiinis lang ako ng konti mamaya ay ok na kami ulit. Just gave time lang sa isa't-isa.

sa anak po tpos pray k ky God after nun gagaan n loob mo ..😊😊

sa mga bata at kay lord.dindaan lahat sa dasal

Sa baby ko po, tsaka kay lord😭😭 huhu