Yey!

Sa wakas! Nakaraos na din ako mga momsh ???. Meet my baby girl ? Baby Yzabella ?? EDD: 11/27/2019 via LMP EDD: 11/29/2019 via UTZ DOB: 11/24/2019; 3:29 am via NSD ??? I want to share my experience na din dahil nakaraos na ako ???. Last, Nov. 23, 2019 ng hapon ay nasa labas ako at nakikipagkwentuhan sa kamag anak, ng bigla na lang may bumulwak na tubig sa pwerta ko kaya agad akong nagpunta sa cr para tingnan and inisip ko na kagad na panubigan ko 'yun since tuluy-tuloy 'yung pagleak niya. Kaya agad akong nagbihis at gora na sa ospital. Pagdating sa ospital, 2cm. Pero naglileak na daw water bag ko kaya at 6pm ay inadmitt nako dahil baka daw maubos pa, kawawa naman daw si baby. And then, induced labor. Since, pumutok water bag ko and no pain, kaya tinurukan na din ako ng pampahilab the time that I was admitted. At 10pm nagstart humilab. And pasakit na siya ng pasakit. Then ang alam ko na lang ay dinala na ako sa Delivery room and pagka IE saken ay fully dilated na me. Eh ready na din naman akong umire that time. Kaya sige. Gora na. Thanks kay lord, 'di niya kami pinabayaan. At nakisama baby ko, 'di niya ako pinahirapan at isang irihan ko lang siya ???. Kaya goodluck sa December onwards ang due date ?. Kayang-kaya niyo 'yan mga momsh ???. Pray and trust lang kay God ??

Yey!
137 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sana ako din mainormal ko and smooth lng yung paglabas ni Bb. I know si Lord lang din talaga makakatulong satin. Btw, Congrats to you mamsh at kay Bb👼😘

Wow congrats mami. Sana ganun din mafeel ko gaya sayo. Iba talaga si God. 🙏 God bless sa inyo ni baby. I am now 1cm galing ako kaninang check up

VIP Member

Congrats sayo Mamsh! 💕🤱 EDD ko Dec 2 Pero nanganak ako Nov 19. Hehehe though my baby is at 38weeks na nung nilabas ko siya. 💛

Magbasa pa

Congrats po. Gano po kadami yung nag leak sainyo? Ako kasi may parang tubig din na lumabas pero kaunti lang

congrats! sana all :( kabado na ko manganak mukhang anytime soon manganganak na ko… dec 14 due date ko.

Congrats po...buti kpa ako bukas nov 27. Edd ko pero puro paninigas lng naramdman k

Congratulations sa inyo ni Baby Yzabell Magkano inabot expenses nyo Momshi? Public or normal hospital?

Magbasa pa
4y ago

Salamat momsh 😊. Public hospital po. Bale, wala kaming binayadan kase pasok sa philhealth ko 😅

mommy may signs of labor kba nung pumutok panubigan mo and mababa na dn tummy mo? or biglaan lang tlga?

4y ago

Literal na no signs of labor po ako non. Kabuwanan ko na pero mataas pa po ang tyan ko.

Ako po 4 days ng may tumutulong tubig sakin pero di naman po dere deretso is it normal? 37weeks here

4y ago

Better go to your ob sis.

Ask ko lang kung ano po yang parang white blood po? 8 months pregnant po ako.

Post reply image