Buhay mag asawa
Sa totoo lang, wala akong alam na gawaing bahay nung nag-asawa ako ? pero ngayon—mamalengke, magluto, maglinis, maglaba, mag-alaga ng bata, lahat na! hahaha kayo?


Ako momsh, wala rin ako alam na kahit ano. Di ako tinuruan ng nanay ko maglaba, magluto, mamalengke at maglinis ng bahay. Di rin ako sanay maghugas ng plato. Puro aral lang ang ginagawa ko.. gulat nga ko nung nag asawa ko nadiscover ko may talent pala ko sa pagluluto saka ayun, full time housewife ako kasi mas gusto ng asawa ko sa bahay ako. Siya na lang daw ang magwowork. Mejo nakakabagot pero okay na rin. Pag nagkababy na kami, di na ko maiinip haha kung may gusto ako binibilhan naman ako ng asawa ko, actually ako nga humahawak ng pera sa bahay siya nanghihingi lang ng baon.. ung bank account namin ako ang primary. Di siya madamot sa pera mas siya pa nga ang marami sakripisyo kesa saken IMO.
Magbasa pa