Buhay mag asawa

Sa totoo lang, wala akong alam na gawaing bahay nung nag-asawa ako ? pero ngayon—mamalengke, magluto, maglinis, maglaba, mag-alaga ng bata, lahat na! hahaha kayo?

Buhay mag asawa
62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

nung dalaga ako ayaw ko na nagsasampay ako ng labahan lalo na pag mainit pero nung nagka asawat anak na ako nasasampay na ako sa labas kahit mainit.luto laba gawing bahay hinagawa ko na dati nung dalaga pa ako

Sinakripisyo? Career and self growth. Sa gawaing bahay lahat kaya kong gawin😊 natuto nang gawaing bahay at a very young age kasi kailangan makisama sa tinutuluyang mga kamag anak. Kasambahay ang peg

yung kailangan mong gumising ng mas maaga para magprepare ng almusal at babaonin ni hubby, hindi matapos tapos na gawaing bahay.. hindi lang si baby ang inaalagaan pati narin si hubby.. 😊😊😊

Madidiriin ako nung dalaga pa ako makakita lang ako ng tae o maamoy na mabaho nasusuka na ako pero ngayon nawala na yun. Ako pa mismo ang umaamoy at naglilinis ng pwet ni baby pag umu-uu na.😅😂

Trabaho ko noon nung mabuntis ako at bago ikasal nagpaend of contract ako bago pa kse kami ni hub magjowa marunong na talaga ako sa gawaing bahay at magluto hahaha

VIP Member

career..5yrs ko naman nagamit pinag aralan ko so I think ok narin yung pag stop sa work para ako mismo mag alaga ng incoming baby girl namin 😊😊

lahat.. as in lahat ng sakripisyong kayang gawin ng babae para sa lalake isinakripisyo ko.. well gnon tlga pinili ko ang buhay may asawa eh😊

Masaya na mahirap hehehe.. Lahat gawa mo .. Maglaba ,magluto pagsilbihan ung asawa mo sa umaga bago pumasok ati oag uwe .. Lahat..

Di na ko nagwork simula ng mag-asawa at mag kaanak ako kc gusto ko ako mag-aalaga sa mag-aama ko. Nakakapagod pero worth it! 😊

VIP Member

career,buhay dalaga as usual nmn un yung madalas isakripisyo kc nasulit ko nmn pgkadalaga ko at tulog 😂🥴🤪