Stress, insecurities, depression...

Sa totoo lang nadedepress na ko sa itsura ko. ๐Ÿ˜ž Ang itim-itim na ng leeg ko. Di na ko palaayos katulad ng dati. Mas naging pangit texture ng mukha ko. ๐Ÿ˜ž Ang laki ng itinaba ko kahit 15weeks pregnant palang ako. Naiiyak ako, sobrang nakadagdag ng depression itsura ko. ๐Ÿ˜ž Halos ayaw ko ng tumingin sa salamin. Ang losyang ko ng tignan. Minsan di na ko sumasabay sa lip ko kapag naglalakad kasi nahihiya akong mapahiya siya dahil sa akin. Kasi ganito itsura ko. ๐Ÿ˜ž Tapos habang papangit ako ng papangit, paganda ng paganda yung ex niya. May anak kasi siya don tapos may gusto pa ex niya sa kanya, kaya para kong natotorete. ๐Ÿ˜ฉ Alam ko ang babaw lang ng problema ko. Ang babaw lang ng nirarant ko pero kinakain ako ng insecurities ko. ๐Ÿ˜ž

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Cheer up mommy! That's not true. You're fearfully & wonderfully made by God. Kaya wag mo isipin na pumangit ka na. Yan po ay normal changes lamang na nangyayari sa mga buntis. :) You dont need to compare yourself sa ex ng partner mo. Minahal ka ng partner mo for who you are and not for what you are. You're beautiful momsh. :) God bless.

Magbasa pa