Hi mommies. Ask ko lang kung ano ano mga signs para malaman kung kabuwanan ko na?

Sa totoo lang kasi hindi ko matandaan kung kelan huling regla ko, pero since dalawa kami ng partner ko ang nagtatrack ng regla ko ever since, sabi niya January pa lang daw di na ako dinatnan ng regla ko. at included din yun sa Calendar ko. nakalagay na huling Red Days ko is Dec 29 2019 - Jan 1 2020. Then for the month of Jan, walang nakasulat na RD ko. Pero ang sinabi ko sa Ob ko nuon ay Feb di na ko dinatnan ng regla. Then fast forward sa ngayon, nagpa ultra sound ako last 2 weeks ago, ang nakalagay sa resulta is I am 8 mos pregnant. pag dating ko sa OB ko, sabi niya 7 mos lang daw ako, yung 8 mos daw na lumabas sa ultrasound ay yun daw ang laki ng bata which means masyado siyang malaki for my month. And then may nakausap akong asawa ng pinsan ko, binigyan niya ko ng ilang signs na kabuwanan ko na : mayat mayang pag ihi, pagbaba ng tiyan at pananakit ng balakang continuously. Which is lahat nararanasan ko. I am so confused na. Do you guys think I should consider switching doctors or ask for a second opinion? Natatakot ako for the safety of my baby. #advicepls #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member