#TitoAlexQuotes

Sa totoo lang, full-time job ang pagiging magulang. Na-realize ko lang recently. Ang hirap pagsabayin ng work at gawaing bahay at pagiging magulang. Meron talagang isa na magsa-suffer. Kaya hanga ako sa ibang tao na kayang pagsabayin lahat at tapos may oras pa para sa asawa nila at sa sarili nila. Ang hirap hatiin ng katawan para gawin lahat ng bagay na gusto mong gawin. Kulang ang isang araw. Kulang din ang energy ng katawan ng isang normal na nilalang. Kaya hindi rin dapat minamaliit ang sakripisyo ng mga full-time housewife. Bukod sa mahirap na nga ang ginagawa nila, madalas pa silang ma-judge kapag hindi "presentable" ang itsura nila. FYI, hindi po madali. Para kang manager, cook, cashier, waiter pati security guard pero isang tao ka lang. Kayo mommies, gusto n'yo na ba ng clone ng sarili n'yo?

#TitoAlexQuotes
23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Di ko din alam pano ko kinakaya pero kailangan. I'm a single mom, living alone and nag wowork at the same time. 2 jobs para magkasya ang budget sa lahat ng expense. 1 year old palang ang anak ko. Thank God dahil naka work from home ako. In between ng jobs ko sinisingit ko ung mga gawaing bahay. Pasalamat din ako dahil napaka bait ng anak ko, di sya naglilikot parang naiintindihan nyang kailangan kong mag work para may makain kaming dalawa. Araw araw akong nakikipag laban sa isip ko na wag sumuko. Magbi-breakdown saglit pero babangon agad. Bawal panghinaan ng loob para sa anak at para narin sa sarili ko.

Magbasa pa
VIP Member

there are times tito alex na gustung gusto ko ng magkaclone.. ang hirap kapag nagsiseek ng atensyon si baby kung kailan nasa CR, nagluluto, naghuhugas ng plates or naglalaba, lalong mahirap kapag nagwowork na tas nagwawala ang baby I really have to leave what I am doing to give him the attention that he wanted to have.. hindi man ako fulltime house wife ngayong pandemic at first time mom din ako, tas work from home pa nakita ko lalo ang kahalagahan ng effort ng mga fulltime mom.. parang mas mahirap maging fulltime house wife kaysa career woman..

Magbasa pa
VIP Member

Kung pwede nga lang gawin ko isang dosena ang sarili ko eh 🀣🀣🀣 hirap pagsabayin yung karga mo baby mo while cooking and doing the laundry. You have to manage everything on time kasi may iba pang errands at may iba ka pa sched. Tapos may 8 years old ka pa na panganay na iba din ang needs. Kaya di talaga biro maging full time mom while doing some part time to earn money as well.

Magbasa pa

housewife and hands on mom ako and minsan naiisip ko dati nakakainggit mga career women kasi kukuha nalang ng yaya for their kids, kukuha ng kasambahay para sa household chores, di nahihirapan pero habang lumalaki baby ko, naramdaman ko na mas masarap pag ikaw mismo ang nag aalaga sa anak mo. mas marami ka naituturo, mas natututukan mo, saka mas maganda ang bearing at behavior.

Magbasa pa
VIP Member

true po, ang mga housewife hndi dpt minamaliit kasi ang gawaing bahay ay walang katapusan, gigising ka ng maaga para mag asikaso hanggang gabi na un..hndi ka naman makapag ayos ng sarili mo kasi mapapawisan ka din naman..ang housewife walang sahod pero pagod araw araw yan

ramdam ko to nakakaiyak yon mukhang napag iwanan kana dahil sa kakaasikaso mo sa anak mo sa asawa mo at sa mga gawaing bahay πŸ˜΅β€πŸ’« pati sa work pero tiis lang basta kaya kayanin para sa pamilya ☺️

VIP Member

Natumbok mo tito alex! 😊 salute sa mga full time and working parents na walang helper! #arawarawkakayanin πŸ˜‰

VIP Member

Ayaw po. Mas gusto ko pa din na ako lang gagawa para sa pamilya ko. Lahit pagod lavarn πŸ₯°

VIP Member

bby first ako. nakakapag antay Ang mga gawaing bahay. ang anak Hindi 🀣 nag ta.tantrums

VIP Member

salute to all fulltime mom ❀️