#TitoAlexQuotes

Sa totoo lang, full-time job ang pagiging magulang. Na-realize ko lang recently. Ang hirap pagsabayin ng work at gawaing bahay at pagiging magulang. Meron talagang isa na magsa-suffer. Kaya hanga ako sa ibang tao na kayang pagsabayin lahat at tapos may oras pa para sa asawa nila at sa sarili nila. Ang hirap hatiin ng katawan para gawin lahat ng bagay na gusto mong gawin. Kulang ang isang araw. Kulang din ang energy ng katawan ng isang normal na nilalang. Kaya hindi rin dapat minamaliit ang sakripisyo ng mga full-time housewife. Bukod sa mahirap na nga ang ginagawa nila, madalas pa silang ma-judge kapag hindi "presentable" ang itsura nila. FYI, hindi po madali. Para kang manager, cook, cashier, waiter pati security guard pero isang tao ka lang. Kayo mommies, gusto n'yo na ba ng clone ng sarili n'yo?

#TitoAlexQuotes
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Di ko din alam pano ko kinakaya pero kailangan. I'm a single mom, living alone and nag wowork at the same time. 2 jobs para magkasya ang budget sa lahat ng expense. 1 year old palang ang anak ko. Thank God dahil naka work from home ako. In between ng jobs ko sinisingit ko ung mga gawaing bahay. Pasalamat din ako dahil napaka bait ng anak ko, di sya naglilikot parang naiintindihan nyang kailangan kong mag work para may makain kaming dalawa. Araw araw akong nakikipag laban sa isip ko na wag sumuko. Magbi-breakdown saglit pero babangon agad. Bawal panghinaan ng loob para sa anak at para narin sa sarili ko.

Magbasa pa