#TitoAlexQuotes

Sa totoo lang, full-time job ang pagiging magulang. Na-realize ko lang recently. Ang hirap pagsabayin ng work at gawaing bahay at pagiging magulang. Meron talagang isa na magsa-suffer. Kaya hanga ako sa ibang tao na kayang pagsabayin lahat at tapos may oras pa para sa asawa nila at sa sarili nila. Ang hirap hatiin ng katawan para gawin lahat ng bagay na gusto mong gawin. Kulang ang isang araw. Kulang din ang energy ng katawan ng isang normal na nilalang. Kaya hindi rin dapat minamaliit ang sakripisyo ng mga full-time housewife. Bukod sa mahirap na nga ang ginagawa nila, madalas pa silang ma-judge kapag hindi "presentable" ang itsura nila. FYI, hindi po madali. Para kang manager, cook, cashier, waiter pati security guard pero isang tao ka lang. Kayo mommies, gusto n'yo na ba ng clone ng sarili n'yo?

#TitoAlexQuotes
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

there are times tito alex na gustung gusto ko ng magkaclone.. ang hirap kapag nagsiseek ng atensyon si baby kung kailan nasa CR, nagluluto, naghuhugas ng plates or naglalaba, lalong mahirap kapag nagwowork na tas nagwawala ang baby I really have to leave what I am doing to give him the attention that he wanted to have.. hindi man ako fulltime house wife ngayong pandemic at first time mom din ako, tas work from home pa nakita ko lalo ang kahalagahan ng effort ng mga fulltime mom.. parang mas mahirap maging fulltime house wife kaysa career woman..

Magbasa pa