Sa tingin nyo ba, pang may kaya lang ang gender reveal party? Kailangan ba talaga sya?

62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman kame maharlika, pero nagpa gender reveal sister-from-another-mother ko, first baby litolwan ko ng Badminton Club namen, dahil ako ang pinaka matanda samen lahat. Yung sure na kukunin kong Ninang and Ninong ang invited lang, yung closest talaga, since ka Badminton ko naman talaga may idea nun. Nag prepare ako konting foods, yung bestfriends ko may dalang foods din. Nag pa games ng konti, nag kainan, nag putok lobo. In my opinion, sa closest friends and relatives mo talaga manggaling if magpa gender reveal ka e lalo na't hindi naman kame maharlika. SoonToBeMom FirstTimePreggy FirstTimeMom GenderReveal

Magbasa pa
Post reply image

Hindi naman. Depende din. Di naman kelangan bongga. Nagdecide kame maggender reveal kasi nabuo yung both side ng family namin since umuwi sila galing ibang bansa. Pinilit ko din malaman na gender kahit 18 weeks pa lang ako nun. Nung nalaman ko kinabukasan nag gender reveal na kame kasi paalis na ate ko. Haha. Nagrent lang kami ng private room sa resto for dinner then unting decor. 3.5k lang naman ginastos namin.

Magbasa pa
Post reply image

Hindi naman para sa may kaya lang. Kahit naman wala kang pera pwede naman magkaron ng reveal party e. Bili ka lang ng cake tapos lagyan mo ng either blue or pink chip sa gitna tapos tsaka nyo biyaking kapag present na lahat ng friends mo. Yung event naman yung magdadala e hindi yung handa talaga. Your true friends will still be happy for you kahit walang magarbong gayak at handa.

Magbasa pa

Ako want ko din sana may Gender reveal at baby shower. Kahit ung gender reveal sa hubby mo na lang like mag create ka na lang sa box kung Blue or Pink ganern tapos if you want mag celeb ng Baby Shower yung simple lang with your family and friends para may matanggap pa din na gifts si baby mo

Depende kase yan kung ano ang gusto mong kalabsan ng party mo. Yung iba kumukuha ng hotel room para doon papuntahin yung mga bisita, doon pa lang gagastos ka na ng malaki e. Para maka tipid pwede namang sa bahay na lang tapos order na lang ng pizza and drinks. Maraming way para makatipid.

di naman po pang may kaya. you can do it intimately wothin your family and very close friends then share feelings of becoming a parent then konting refreshments. however it is not really needed naman. choice nyo pa rin ng partner mo. 😁 pero exciting sya 😘

TapFluencer

it can be as simple as you want. ang importante lang e ma ireveal ung gender ni baby sa mga taong mahal mo at excited ng malaman kung anu ba si baby.. just be creative and fun. i just did our baby reveal in our home with the closest people i have.

VIP Member

Hindi naman po. Yung friend ko, sinabay nya sa 1st bday ng panganay nya yung gender reveal. Pwede rin intimate dinner lang ng family mo at family ng asawa mo. Ok na po yun. Sakin nga po, bumili lang kami ng pizza sa kanto at bbq. Ok na yun.

VIP Member

Hindi naman. Kung gusto niyo why not ? Basta hindi yung ipapangutang niyo lang para magawa yun. Kung ayaw niyo naman okay lang din. Kahit naman minsan may budget hindi rin nag gegender reveal, nakakpagod din kase siya 😅

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-31416)