Stay at home moms, 2nd trimester

Hello sa mga stay at home moms at hndi maselan ang pagbubuntis. Ano po pinagkakaabalahan ninyo everyday? Like ano routine ninyo?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

✅Ako lang talaga Nag aalaga sa 3yr 2mo old daughter ko, working as engineer ang daddy niya sa malayo, minsan lang umuwi. 21 wks pregnant ako ngayon sa 2nd baby. ✅✅Same padin ginagawa ko sa araw araw kahit nung di pa ko buntis.😊😊 Buti hindi maselan pagbubuntis ko, nagagawa ko parin lahat sa bahay plus asikaso sa bata at turo ng pang academics sa kanya like math, reading, writing. 📝Hindi pa siya pumapasok sa school, next school year pa siya papasok as Nursery or Junior Kinder pag turning 4yo na siya. More on preparing lang kami para hindi siya mabigla sa schooling. Sa umaga Linis bahay, ligo ang bata then ako, luto habang nagtuturo ng academics sa anak. Sa hapon naptime kami 2pm then pagkagising ng 4pm merienda then turo uli ng academics sa bata, writing. Playtime after that. Tapos dinner na then bedtime routine na then ako din mag wash up na after ko maayusan ang bata. Mga 9pm nakahiga na kami then story time na, I read her 1 to 2 books short story. Tas ayun sleep na din after reading.❤️❤️🤍

Magbasa pa
TapFluencer

Hello mi. Stay at home soon to be mom here currently on my 3rd tri. Online business pinagkakaabalahan ko ngayon. Pag walang order, gawaing bahay, hobby (crochet and reading books), nagreresearch din ako online ng mga kaya kong gawin before baby arrives like making nursing pillow, baby toys, nursing cover. Reading a lot about pregnancy and parenting really helps. So much na minsan di ko na nasasagot tawag ng asawa kong seafarer 😂

Magbasa pa

Nung buntis ako last year, 2nd tri ko na naconfirm na pregnant ako. Total bed rest ako kaya ang gawain ko lang sa bahay ay magluto🥰. Malalaki na kids ko kaya tulong sila sa papa nila sa ibang gawaing bahay. Hindi rin naman sila hirap maglaba kasi naka automatic naman. So ako hayahay😅Utos here, utos there😂. Watch sa netflix, youtube. Pero mas madalas reading books ang gawa ko.

Magbasa pa

WFH ako mi e un ang pinag kaka abalahan ko. Then linis ng bahay at laba kapag weekend hehe..pero ung routine ko araw araw is saken nakatoka ang hugas ng pinggan si husband ang ngluluto..un lang hahaa minsan lakad lakad 15 minutes pero mostly naka upo... mabigat na si baby e...3rd tri na pala ako pero 2nd tri same routine pa din ako hehe...

Magbasa pa

Hello, 2nd tri na ko naka bed rest kasi high risk madalas watch ako movie mern dn akong mga paint by numbers unti unti ko tinatapos minsan konting linis ng room bawal kasi masyado gumalaw

TapFluencer

2nd trimester bumalik ako sa pg woworkout using pregnancy ball but consolted my OB first, and continue parin sa work until my due date medyo npaaga pa nga.

ako higa lang. high risk kasi, bawal akong umupo or tayo for more than 2 hrs. kaya lagi na lang akong tulog. haha