Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin?
SA MGA BUNTIS: -Mahihirapan sa panganganak kapag nakaupo sa hagdan. -Makukunan kapag pumunta sa lamay o burol ng patay. -Huwag maligo ng malamig na tubig o maligo sa gabi magiging sipunin ang iyong dinadala. -Maglilihi ang asawa kapag hinakbangan mo habang natutulog. -Aantukin ang kakain sa ginamit na plato ng buntis. -Kung ano ang kinakain, siyang bunga. -Mapapadali ang panganganak kapag kumain ng sariwang itlog. -Magiging kambal ang anak kapag kumain ng kambal na saging. -Magiging kulay violet ang sanggol pagkapanganak pag kumain ng talong. -Huwag magpagupit kapag buntis kasi baka makalbo. -Pag umuupo sa tabi ng pinto magiging malaki ang ulo ng sanggol. -Masama magpalitrato ang buntis dahil ito ay malas. SA MGA SANGGOL: -Bawal maligo sa araw na ipinanganak ang sanggol halimbawa kung ito ay lunes ipinanganak, hindi siya pwedeng liguan tuwing lunes hanggang mag isang buwan ang sanggol. -Kapag sinisinok lagyan ng maliit na pinunit na papel o sinulid na nilawayan sa noo. -Bawal gupitan ng kuko tuwing Biyernes, magiging sakitin. -Kapag isang taon dapat ang unang gupit at dapat matalino ang gugupit para matalino din ang sanggol. -Kapag lalabas ng bahay dapat may suot na onton para pangontra sa usog. -Bawal ipahalik sa manika, hindi agad makakapagsalita. -Unang ipakain ay kanin, sabaw, tubig at asin para hindi maging pihikan. -Huwag iiwanang magisa ang sanggol, lalapitan ng masamang espiritu kaya minsan biglang naiyak ang sanggol kapag magisa. Kung iiwanan man ay maglagay ng walis tingting na hindi ginagamit sa pinto para hindi malapitan. -Ilagay sa pinakamataas at maliwanag na parte ng bahay ang pusod para maging mataas ang boses, ang pinagaralan etc. -Kapag nakahiga ang sanggol wag hihilahin, dapat buhatin, magiging matigas ang ulo nito -Lagyan ng itim na sinulid tiyan ng sanggol pag nagkakangipin na para hindi magtae at magkasakit. -Para tumalino ang bata, ilagay ang unang gupit ng buhok sa pagitan ng pahina ng mga libro. -Pisilin o himasin ang ilong para tumangos ang ilong ng bata. -Huwag ipaharap sa salamin ang bata at baka hindi makapagsalita ng maaga. -Bawal ilabas sa gabi ang bata at baka mahamugan. -Bawal magpadede kung pagod o gutom ang nanay at mapapasma o magkakasakit ang bata. Kayo? Anong pamahiin ang pinaniniwalaan niyo?