Ano nga ba ang dapat?
Sa lahat ng SAHM na ang asawa lang nila ang meron trabaho.. Bilang meron na kayong anak, ano po ang mas gugustuhin nyo.. Yung masaya si hubby nyo sa work pero hindi sumasapat ang kinikita nya para sa lahat ng gastusin or malaki ang kinikita pero mukhang hindi masaya sa work? Ako po kase meron naman kinikita pero hindi po palagi (since online selling) pero dahil kulang nga yung kinikita ni hubby, pati yung kinikita ko napupunta na din sa expenses kaya nababawasan din yung puhunan ko. I tried encouraging him na magtry sya mag apply sa iba since marami ako nakikita na hiring na mas malapit dito samen, mas malaki ang kita compared sa kinikita nya ngayon. Ang lagi nyang sagot saken, maghanap na din daw ako ng trabaho (which I did kaya lang problema ko pa kung sino magbabantay sa anak namen). Hindi na kase kaya mag alaga ng bata ng mama ko since senior citizen na sya at meron na din nararamdaman and senior na din mga biyenan ko and both of them are in the province. Medyo mahirap din maghanap ng yaya since wala pa byahe mga bus from our province. And di po ba pag nag apply ka s govt agency, dapat civil service passer ka? #advicepls