#QOTD Thursday: Kinukuwento mo ba lahat kay partner ang past mo?
TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!
yes. lahat-lahat. all aspects of my life. in terms of love life kasi, 3 naging ex ko lahat yun alam nya. sya naman nanliligaw pa lang, kinuwento na nya saken ang past nya. as in buong buo. desisyon ko na lang kung gugustuhin ko pa ba sya o hindi na after nya magconfess about his past life. halos lahat ng past namin alam namin. wala kami nilihim sa isa't-isa. kaya tanggap ko sya kahit ano pa past nya kasi naging tapat sya sa akin. ganun din naman ako. kahit alam kong masakit on his part nung una, kinuwento ko pa rin. part of acceptance na rin siguro. pag mahal mo, tanggap mo. kahit pa nung araw taga paikot lang daw sya ng lechon, lahat ng hirap nila nung bata pa sila. kahit naging tagapataya sya sa jueteng, kinuwento nya sa akin lahat. na kinukwento ko namab sa inyo. 😅 maski ngayon sya lang katsismisan ko. sya lagi ko kakontrahan, kausap, pero di na namin binabalikan yung past namin. sobra naging hirap nya sa akin na suyuin kasi natapat may sakit nanay ko, ayoko muna ng kahati sa atensyon ko, kaya lagi ko sya nirereject. days bago mawala si nanay sabi saken ni nanay "maji, wag na wag." dinugtungan ko "wag na wag papupuntahin" 😅🤣 ibig sabihin ni nanay pala wag na wag na hindi si eric mapangasawa ko. nakita nya kasi kung pano ko ireject si eric pero still, kahit ospital nandon din sya. haba ba? hahaha
Magbasa paYes po cause actually jyan po nag sisimula yung RESPECT.. Kami po kasing mga babae is always open and emotionally dependent sa partner namin... Well depende rin nmn sa pagkatao mo.. Sa akin po kasi the more na nagiging open ka sa partner mo the more na nakikilala nyo ang isa't isa... And the fact na iniwan mo ang past mo because of the differences you have kaya humanap ka ng iba or ng mas better sa kanya... Kaya po mas magiging okey ang lahat kapag open ka sa partner mo.. You also need to be wise and smart while having a relationship kasi po hindi sa lahat ng pag kakataon , lahat ng gusto mo ay makukuha mo... Let's just always think and put in mind that COMMUNICATION is always be the best way of having a good and successful relationship... Laging tandaan na hindi nakakasira ang pag open up mo about your past kasi jyan mo rin makikita if accepted ka ng taong mahal mo kahit ganyan ka noon... We must always value the person that loves us kaya accept their past even what they want in future... Thank you po for the oppurtunity to spread what I have and willing pa po akong magshare sa susunod... Maraming salamat uli...
Magbasa payes po. lahat po di ko tinatago sa Asawa ko, mag boyfriend\girlfriend palang kami kinukwento ko na lahat about sa family, exes at mga nakakasalamuha kong kaibigan . kasi ito din yung way kong tanggap niya yung about sa past ko . at dun mo malalaman kong gaano niya ka niya ka mahal at willing malaman buong pagkatao ko. ayoko din ng sa iba niya pa malaman ang lahat kaya Ako na nagsasabi sakanya ng mga bagay na yun , oo di maiwasan ang tampuhan pag katapos magkwentuhan kasi nasasaktan din siya lalo na about sa mga bagay na wala sakanya. nadodown din pero lagi kong pinapaalala sakanya na Mahal na mahal ko siya at thankful akong nakilala ko siya.. at ngayon okey na okey kami mabaet ang hubby ko, di nanunumbat at napakaresponsible. act. single parent ako nung nakilala niya ako may 3yrs old baby girl pero tanggap niya yun at alaga niya kaya Thankful talaga ako sa ngayon compare sa una❤️🥰
Magbasa paHindi naman agad lahat. Pag may naalala ako, kinukwento ko. Pag nagtanong sha, kinukwento ko. May mga pagkakataon kase na hindi ko na matandaan yung iba kaya diko lahat naikukwento sa kanya pero once na maalala ko, kinukwento ko pa din. Ultimo mo yung natae ko sa salawal ko nung mga panahon na unang labas palang namin haha nakakahiya man pero kinuwento ko yun sa kanya kase di nya alam yung nangyari na yun 🤣 Medyo makakalimutin kase ako kaya understood nya na diko makwento lahat. Pero once na maalala ko naman, kinukwento ko agad sa kanya. Lalo na pag dating sa ex ko hihi. Di naman sha nagtatanong ng sobra about dun pero ako na nag kekwento sa kanya para iwas duda and para alam din nya na ganito nangyare sa past ko.
Magbasa paminsan kapag nagtatanong sya. pero kapag ndi nmn nagtatanong c partner ko d ko kinukwento. kasi my ibat ibang uri ng ugali ang mga lalaki. . na kapag nag kwento ka tungkol sa past mo pakikinggan ka walang halong selos o malisya o galit😂 . .kasi minsan jn sa kwentuhan na gnyan jn nag start ang away 😆😅 real talk pero legit. .lalo na kung yung past mo is mas angat sknyan😆 kaya ako bago ako mag kwento sa asawa ko sinisigurado ko muna sknya na walang away na mangyayari dhil nag tatanong sya😂 kaso pag my time na nagkatampuhan yan ang isusumbat sau kesyo ganto gnyan kau ng ex mo ganyan gnyan 😆😜 kaya mas ok dn minsan ndi ikwento lahat dhil past nmn na yan eh. . mas mahalaga ngayon is ung present😆😂
Magbasa paYes po, and ganun din sya sakin. We're open to each others past, it is the part when I feel na isa akong kaibigan sa kanya at ganun din sya sakin na handang makinig ng lahat ng thoughts. I enjoy it also kasi mas nauunawaan ko sya kung bakit nagiging ganun ang pananaw nya sa future namin, mas nakikilala ko sya kasi nagkakaroon ako ng pag unawa kung paano sya naging ganun but it doesn't mean na nagiging dahilan din un para majudge ko sya as a person. Nakatuwa lang din kasi hindi mo masasabi na kailangan ka nya lagi as a partner, we need to understand na kailangan din nya tayo as a best of friend na no judgements, no side comments, JUST be there for them to listen para mapagaan ung loob nila.
Magbasa paNo, unless mag tanong sya. I open up everything everytime na mag tatanong sya, bilang present partner karapatan nya din malaman ang past ko, vice versa. There's no reason para itago ko yun sa kanya, lalo na kung isa yun sa mag papagaan ng loob nya, na maramdaman na wala na sakin kung ano man yung mga naging past ko. But i never open up ng dahil lang sa gusto ko, or naalala ko yung past ko, hindi ba parang ang unfair sa feelings nya na ikuwento pa kung paano kayo noon ng past mo sa present mo? And also there's no reason to be proud to open up about ur past, kase nga ex na sila, kung better sila sana kayo pa? Skl. 😌👌
Magbasa paOpo, actually lagi yun kapag uuwi sya galing sa trabaho nag tatanong sya about sa nakaraan ko at sinasabi ko po sa kanya lahat lahat pati yung mga naging crush kopo nung highschool at yun na nga po minsan napagkakagalitan namin pero sabi ko naman po sa kanya past is past dahil nga po bata pa kame at naging mag asawa kame agad madalas pong magkatampuhan dahil sa pagkukwento ko ng mga past ko at nag kukwento din po sya pero di naman ako nag gagalit or. nag seselos kase alam ko naman pong past is past na. yun lang po salamat ❤️💞 Godbless always po sa mga mommies jan😊😘
Magbasa paHindi po lahat ng about sa past ko kinukwento ko sa kanya, pero open kami sa isat isa.. may mga bagay lang na hindi na dapat pa malaman para makaiwas nalang din sa pagmumulan ng away namin.. hindi naman ngunit hindi kinuwento lahat ay paglilihim na, doon lang tayo sa siguradong hindi pag aawayan..para happy lang ang pagsasama naming mag asawa.. at ganon din naman siya sakin, may mga bagay sa past nya na hindi kona kailangan marinig pa sa kanya at dina dapat pa sabihin..😊
Magbasa paOo naman, para walang tinatago at balance din kapag magkukwento siya atleast open minded lang kami sa isa't isa at saakin sa mga past ko wala naman problema dahil sobrang open ako sakanya para less away at less hinala, mas masaya ang buhay at mas magaan. 💓 Tsaka diyaan mo mas matetest ang communicatuon niyo sa isa't isa para mas maayos at tumagal ang pagsasamahan nagiging mas komportable lalo na pagdating sa Communication is the key. 💗 #Happylife
Magbasa pa