#QOTD Wednesday: Ano ang favorite mong gawaing bahay?

750 responses

Paboritong gawain ko talaga ang magluto pero syempre bilang nanay ginagawa ko lahat ito araw-araw. Minsan tinutulungan ako ni LIP dahil pareho kaming may work kumbaga teamwork kami sa gawaing bahay at bukod doon mas malinis kasi sya sa akin sa gawaing bahay. especially sa kwarto namin kailangan malinis lagi dahil mas matagal ang stay ni baby sa kwarto. 😊❤️
Magbasa papaborito ko tlaga magluto dahil ang kids at Asawa ko laging nakaabang sa lamesa pag nag luluto na ko , naeexcite Ako lagi dahil Ganon cla nasasarapan sa luto ko khit na s tingin ko ay ordinaryong luto lang hehehe. Mas Lalo tuloy Ako sinisipag pag Ganon din cla kaexcite pag nag luluto Ako. ❤️
Favorite ko talaga ang mag linis ng bahay. Ayoko ng may katulong kasi mag gusto ko evry detail ng linisin nagagawa ko. Kahit maghapon ko syang gawin. Hindi ako nakakaramdam ng pagod. 😊 Kahit rooms ng mga kapatid at parent ko okay na linisin ko. 🤍 Mas nasasatisfied kasi ako.
gustong gusto ko talagang maglaba. ewan ko, kahit hindi naman ako magaling or super linis sa paglalaba, mas gusto ko parin na maglaba. sakin lang ba yung feeling na pag may labahin, pakiramdam ko ang dumi dumi ng bahay. kaya gusto ko laging naglalaba
paggising ko pagkatapos ng almusal nagwawalis n ako para my exercise kahit papaano minsan nagigising ako ng maaga kasama ko asawa ko mga 5am para maglakad lakad para hndi mahirapan s panganganak
magluto especially desserts for my family. makita ko lang mga kids ko na masurprise na ginagawan ko sila ng desserts like cookies, cakes or any na favorites nila. sobrang happy na puso ko
favorite ku talaga ang cooking and baking enjoy n enjoy ku cya ginagawa kahit nakakapagod lalonn kung masasarapan sa luto mu ung kumakain nito
Maglaba na ang pinakamadali para sa akin kaya paborito ko. May washing machine kasi at hindi naman madudumi ang mga nilalabhan ko. 🤗
lahat ng gawaing bahay paborito ko 🥰ang sarap sa pakiramdam kahit may toodler sa bahay malinis parin ang bahay tingnan🥰
favorite kong gawin sa bahay maglaba mag hugas ng pinggan saka maglinis. para malinis ang bahay at iwas sakit kay baby.