#QOTD Wednesday: Lagi ba kayong nag-aaway ni mister dahil sa pagkain?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!
TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!
Voice your Opinion
Oo, palagi!
Hindi naman
Slight lang!

1502 responses

220 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ngayong buntis ako may napansin ako na 2 situation na parang nakalimutan nyang buntis ako.. #1 nag take out sya ng food sa Mcdo tapos one rice lang un, nag pabili ako sknya ng kalahating kanin sa karinderia kase kulang ung kanin gutom pa ako, Sabi nya ang takaw ko naman daw Sabi ko dalawa kaya kami kumakain.. #2 kakatapos lang ng tanghaLian pero konti lang kase kinain ko at madali ako mabusog, less than an hour yata nagpapabili ako tinapay, Sabi ko nagugutom ako Sabi nya gutom ka na naman para Kang hindi kumain ahh Sabi ko buntis kaya ako noh? ung anak mo nagugutom... ayun every argue wala naman sya nagagawa kundi sumunod na bumili ng pagkain ko 😊😊😊 tapos pag balik naman nya kausap nya tiyan ko Ayan na neneng pakabusog ka 🥰🥰🥰 sabay hawak sa tiyan ko

Magbasa pa

Hindi naman kahit nung mag Girlfriend/Boyfriend palang kami. Ang ginagawa ko kase is bago ako magluto, nagtatanong ako sa kanya kung anong gusto nyang ulamin o kainin. Mapaumagahan man yan, tanghalian, meryenda o gabihin. Pag nagkasundo kami sa lulutuin, ayun na ang iluluto ko. Palagi akong nagtatanong muna sa kanya lalo na parehas kaming nagwowork. Mine-make sure ko na ako ang mauunang umuwi sa kanya pag parehas kami ng shift. Pero pag sha naman ang nauuna, madalas sha na nag luluto ng pagkain namin. Hindi naman kase ako mapili sa pagkain, sha lang haha.

Magbasa pa

May pagkkataon po talaga na nag-aaway kami sa pagkain. Hindi kasi siya kumakain ng gulay. I know it's kinda late for him to teach and encourage him to eat vegetables pero I have to do it because paano nlng kung magkaisip na ang baby namin at makita nya na okay lang pala hindi kumain ng gulay kasi si papa nya hindi nmn kumakain, ayuko nun kaya always ko pinu push sa kanya ang gulay na minsan naiinis na xa. But in all fairness for him, may mga veggies na syang nakakaya na niyang kainin ngayon na hindi nga kinakain before.

Magbasa pa
VIP Member

dati nung bago pa lng kaming nagsasama.. yes.. halos araw araw... para kaming naghihilahan ng superiority. Everytime mag aaway kami after nun.. iniisip ko kung gusto ko ba ng long term na ganun... paano pag lumaki na si baby at nakiktang ganun kami syempre ayoko. Naisip ko gamitan ibang strategy, pag may differences kami.. i make it a point na na pag usapan namin bago matulog.. and thanks God it worked. now mas mahaba na pasensya nya pag umiinit ulo ko and now it give and take na. 😊❤ Happy wife ✋

Magbasa pa
VIP Member

hindi kami nag aaway ni mister sa pagkain bagkus sya ung lagi nagbibigay sa akin ng foods dahil unemployed ako simula nung nabuntis nya ako binibigay nya lahat ng gusto ko, cravings ko lalo nung first trimester (puro chocolates cravings ko, kahit wag na ako kumain ng kanin basta may chocolate) pero ngaung third trimester na pinagdiet na ako ng ob ko nakakalaki daw kase ng baby ang sweets.. tapos every sahod nya nag da-date kami sa labas nagiging cheat day ko yun, yun lang 😊

Magbasa pa
VIP Member

HAHAHA! Relate, madalas. Kasi minsan choosy sya sa ulam. Madalas kaming nag tatanungan ng kung anung uulamin. May times kasi na kung anu yung gusto nya iulam, ayaw ko naman. Kung anu naman gusto ko iulam, ayaw naman nya! 😆🤣🥰 Pero sa huli,sya nalang nag dedecide kung anu uulamin. Kakain ako basta sya na rin mag luluto HAHAHA!🥴😁😅 #BuhayMayAsawa

Magbasa pa

Hindi po kami nag aaway ng aking hubby sa pagkaen kung ano po ang nakayanan masaya po namen pinag sasaluhan. madalas din po kung ano po ang gusto nya o gusto ko ay ginugusto ng bawat isa samen ♥️ napaka swerte ko po sa kanya kase hindi po sya maarte sa foods ♥️♥️♥️ salamat sa Dios sa pag bigay saken ng Mabuting asawa ♥️♥️

Magbasa pa

hindi naman, madalas kasi sya ang bumibili ng pagkain namin dahil di ako makalabas dahil nga sa buntis eh nagbabantay pa ng 2yrs. old kong baby. kung ano mabili niya ok lang kasi hindi naman ako mapili pwera na lang mga anak ko pero napipilitan pa rin sila kumain kasi sinasabi namin na di pwede mag inarte dahil hindi kami mayaman 😊.

Magbasa pa

almost! hilig cu mgluto ng gulay,den sympre dapat may sahog n karne mas msarap,kya lng mas nauuna maubos ang karne kesa s gulay..kung pede lng din mgluto ng sinigang,at nilaga n walng halong gulay ei..tpos diet dw c mister hnd ngrrice pg kkain n kme..dios cu qng mkpg midnightsnack n man( burger wd milktea pa)🥲🙄😪😅

Magbasa pa
TapFluencer

never kame nag away dahil sa pagkain,ayaw na ayaw ng mister ko na nag-aaway kame ayaw nga nakita nakasimangot ako😅pauunahin nya kame/ako kumain bago sya,kaya ang ginagawa ko hinahatian ko na lang sya kc syempre kahit nmn hindi nya sabihin alam ko gusto nya rin.Sya kc tipo ng asawa /ama na kahit wala sya basta kame meron.

Magbasa pa