#QOTD Monday: Saang lugar mo gustong ipatayo ang dream house mo?
TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

Mas maganda po yun malapit sa magulang bahay na ipatayo kasi sila lang din mismo makatulong sayo kapag may pinagdaanan ka problema at pagsubok madali mo sila malapitan maalagaan lalo na kapag kailangan ka nila at kapag may sakit
gusto ko ipatayo Ang dream house ko sa brgy. na malapit sa magulang ko para sa tuwing kailangan ko ng tulong may mahihingian ako ng tulong lalo nat Wala sa tabi namin ang ama ni baby. sa lugar dito pa din sa Tabaco City, Albay.
Gusto ko po sa province, medyo malapit sa dagat at merong malawak na bakuran para makapagtanim ng flowering plants, herbals and vegetables. Pero sana may mabilis na access din sa mga palengke or groceries or hospital, etc.
Dito sa hometown namin sa Cebu province kasi mapayapa, masagana, safe, titulado na, at siyempre may perks pang presko ng hangin at pagkain. Itotodo na rin namin maging retirement sanctuary ang dream house na ito. Kakayanin!
gusto namin magpatayo sa may mamanahin nyang lupa sa may bukid at para mapuntahan kapag weekends para maka Langhap ng fresh air at makita ung mga green fields at fruit bearing trees dun. para makapag enjoy c little one
Para po sakin, dito din malapit sa family ko (La Trinidad, Benguet).π₯° Para kahit papano po may katuwang ako at ng aking asawa sa pagpapalaki sa aming mga anak. And the Family that stays together loves forever.β€οΈ
Gusto naming mag-asawa na makapagpatayo ng bahay na may malawak na lupain, masarap na simoy ng hangin at tahimik na lugar.. Yung may mapagsasakahan at mapagtataniman ng mga gulay at iba't ibang halaman. π
Alfonso, Cavite para malamig gaya ng Tagaytay pero di singmahal presyo ng lupa. kung papalarin, gusto namin ni hubby patayo ng animal shelter na may resident vet. sarap siguro ng maraming pera no? π
somewhere kung saan malapit lang sa pamilya ko para kahit papaano nakikita ko sila at ganun din sila. Because I still want to be with them even I have my own family . Ilove my family so much β€π
Dito pa rin samin sa Tondo Manila dahil malapit sa lahat, schools, hospitals, kapilya, palengke, etc. konting ipon pa para makabili ng lupa para mapatayuan ng bahay para sa pamilya ko at parents ko.



