#QOTD Monday: Saang lugar mo gustong ipatayo ang dream house mo?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Monday: Saang lugar mo gustong ipatayo ang dream house mo?
321 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

We do not have a specific location in mind, what we want is a cozy subdivision na tahimik, malawak, mapuno, accessible sa lahat & secured. We want to have a property where we can also plant fruits and vegetables. For me kung asan si hubby andun din kami ng lo namin, it matters not kung saan ang mahalaga magkakasama kami at buo. I & my husband wants to train our child and future children na may alam sa gawaing bahay, we also want them to know the value of work and what it means to say na kapag masipag ka may nilaga para pagtanda nila maging successful sila, not for us but for themselves. Gusto rin namin yung place na kung saan iwas sa judgement and pangungutya, our child is a biracial baby and whether we like it or not sa bansa natin pagbiracial ang baby hindi sila welcoming, they get easily discriminated it matters not kung may pinag aralan ba or wala, nasa nature ng tao kasi. 😊

Magbasa pa

Gusto ko ipatayo dream house ko sa lugar kung saan huli kong nakasama ng buo at masaya ang pamilya ko sa Baguio City dahil pakiramdam ko kapag nandoon ako sa lugar na iyon ay kasama ko pa pamilya ko. Naaalala ko yung happy moments namin doon. Yung memories namin na gusto kong balikan pero malabo ng mangyari kaya gusto ko sa Baguio. And also My partner and I want to experience a peaceful life yung malayo sa gulo sa ingay like dito sa Manila. Gusto ko din doon palakihin baby ko para pag may edad na siya ikukwento ko sa kaniya kung gaano kasaya kami noong nagpunta sa lugar na iyon. Matutupad din yung dream house ko na iyon in God’s perfect time.

Magbasa pa

Hi! Well, I'd like to have our house in an exclusive subdivision sana. With security, proactive community and well managed. Sa panahon ngayon, it's better to consider or put security & safety on top kasi mas dumadami na ang tao nakakagawa ng criminal acts. And syempre lahat naman ng parents gusto ng safe & sound neighborhood. So if I were to choose, gusto ko sa well established and well managed community, not necessarily sa malalamig or matataas na lugar, but doon sana sa civilized ang mga nakatira. We want our kids to grow and live resilient kaya kung pwede doon sana sa lugar na may "less drama, less scandals and so on..." 😊

Magbasa pa

Gusto ko ipatayo yung dream house ko dito sa Cavite, malapit sa bahay ng mga magulang ko. As much as possible ayaw namin na malayo kaming magkakapatid sa kanila lalo pag nakapag asawa na kaming tatlo. Gusto namin na madali silang mapuntahan lalo na pag emergency kase shempre tumatanda na din sila. Yung dream house ko lang naman is simpleng up and down lang na may garden and carport. Minimalist ang design sa loob and maaliwalas ang color ng wall. As much as possible is white and gold ang theme hehe.

Magbasa pa
VIP Member

Dahil may history na kami na binabaha lalo na yun Bagyong Ulysses plano namin sa lugar na hindi binabaha. Sa awa ng Diyos nakabili na kami ng lupa and mag iipon muna ng pampatayo ng bahay. Excited na kami kasi new community at syempre makakalaya na kami sa pakikitira. PS: Yun miniature house na ito ay ginawa namin mag asawa noon pa as project ko sa humanities subject nun college. Mga 13years ago na ito pero nangangarap pa din kami na maipapatayo namin sya soon. 🙏🙏🙏

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Dito sa province ng asawa ko sa nueva ecija. We are blessed at may lupa at bahay na sila dito, papagandahin nalang namen, sariwa ang hangin kht malayo sa mga kabihasnan, malawak at tahimik, puro bukid lang nakikita at mga Pino at halaman, Lalo na gnaun pandemya, safe at healthy environment ang importante ngaun kht mahirap ang buhay Laban lang, nandyan si lord matutupad rin namen mapaayos ung bahay at Mas maraming happy memoriesm ❤️ thank you theAsianparent.

Magbasa pa

Gusto ko sabtahimik na lugar, ung may malawak na lupain para makapagtanim ako ng mga halaman at gulay dahil mabilig akong magtanim at para narin po mas masustansiya ang maibigay kong pagkain sa mga anak ko. Yung walang masyadong ingay, walang polisyon at hindi gaanong mainit dahil ayaw sa mainit na klima ung panganay ko dahil narin po sa kondisyon niya. At higit sa lahat ung malapit lng sa mga pamilya namin sa mga kamag anak namin para mas masaya.

Magbasa pa

Dream house, Gusto sana namin sa parte ng silang cavite malamig ang klima maraming puno, mahangin at maaliwalas ang maligid.. simple bahay para sakin pamilya kasama ng asawa ko at magiging anak namin, basta maaliwalas ang loob at hindi masikip, kahit hindi up and down, kase hirap ako umakyat sa hagdan,, basta malawak ang maligid ng bahay at makakapag tanim ng mga halaman at gulay, gusto ko nagtatamin.. yun pwede magnegosyo.. sana matupad 😊

Magbasa pa

Hello! Well, gusto ko pong ipatayo ang aming dream house sa isang subdivision, with wide roads, 24/7 security, and amenities, located here in Pampanga para within reach parin po kami sa pamilya, kamag-anak at kaibigan. Dahil 1st of all, bukod po sa security ng pamilya, importante rin po ang bonding ng magpapamilya lalo na para sa mga bata upang sila ay lumaking family-oriented rin. Thank you, theAsianparent 🙂

Magbasa pa
VIP Member

lugar kung saan tahimik at pwde ako makapagtanim ng halaman at gulay importante din malapit sa work ng asawa ko para pwde siya makasabay ng kain sa amin tuwing breaktime nila importante din kasi yung oras niya sa amin ng mga anak ko kasi lage siya sa work yun lang! bahala na kung maliit at hindi gaano ka.bongga ang bahay basta buo kaming pamilya at masaya and by God's grace wala na akong mahihiling pa

Magbasa pa