Voluntary sa Philhealth?

Question mga mhiee regarding Philhealth. Yung family ni hubby may sariling business and dun din sya nagwowork, last April 2022 nagresign ako sa work ko and tumulong na sa company nila hubby. Ang kaso lang nitong August 2022 lang sila nagstart magkaltas ng benefits and as of now, wala pa ding contribution yung philhealth ko and in process pa daw. I'm on my 33 weeks ngayon and worried ako na hindi ko magamit ang philhealth ko since ang last na hulog dun is nung April 2022 pa. Pwede ba ako magvoluntary hulog nalang, if pwede, magkano per month? Ilang buwan ang pwede kong hulugan? Thanks in advance.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy, updated naman po ba philhealth ni hubby mo? If yes, ipa-amend mo na lang po sa hubby mo yung philhealth nya pero kailangan mo po ipadeactivate yung membership mo para mailagay ka nya as dependent. kase same lang din naman makukuha mong benefits, para hindi ka na magbayad. Ganyan kasi ginawa namin since nawalan din ako ng work before magbuntis.

Magbasa pa
2y ago

Ang kaso miii, walang Philhealth si hubby, as in nung August 2022 lang sila nagprocess ng mga benefits and up to now, wala pa ding balita sa philhealth.