47 Replies

Red Flag 🚩 Alam kong alam mo kung ano ang sagot sa nga tanong mo, humihingi ka lang ng kumpirmasyon mula sa iba kahit alam mo na. No, never itong magiging normal. Kung noon pa mang boyfriend mo pa lang siya e namumura ka na, yun ang NORMAL NIYA o NORMAL NIYO. Ittrato ka ng kahit sino, sa kung papaano mong gusto o kung saan ka pumapayag. Kung hindi okay sayo ito, mainam na ipaalam mo sa kanya. Kapag ginawa niya pa rin ang bagay na sinabi mong di ka komportable o hindi okay sayo, nasa sayo ang desisyon kung itotolerate mo ito/papayag ka at hahayaan mo o mag-eempake ka at iiwan mo siya. Sana nakuha mo yung mensaheng gusto kong ipaabot sayo. Wag mong ijustify ang maling gawain o bagay ng dahil lang sa asawa mo yung tao o dahil mahal mo siya. Alam mo kung anong treatment ang nararapat para sayo bilang asawa, bilang babae o ina ng anak niya. Nasa sayo ang desisyon kung ano ang magiging "normal" para sayo at sa anak o magiging mga anak niyo.

in my case momsh,yes namu2ra nya tlaga aq kung pinaka matinding away n yun which is aq nman ang mgsisimula pero once in a blue moon lang yun,sympre masakit din sa part mo as a girl kya kung anung mura sa2bihin nya binabalik ko din sa knya w physical pa pero di sya gumaganti.hangang sa m hurt n sya at sya na iiyak,pro once nkita ko n syng umiiyak n gu guilty n aq tska ko m realize n mali din aq kya ta2himik n aq,ta2himik n din sya,walang kibuan pro pinaglu2to nya ko ng makain at mg so sorry n sya,at palagi nyang sinasabi n kung anu mn daw lumabas sa bibig nyang masa2kit n salita hwag ko dw pansinin kc wla nmang katu2hanan yun at alam ko nman sa sarili kung mahal aq ng asawa ko,i think nasa sayo yan momsh kung yung pgmu2ra nya is nka2wla ng love mo sa knya or part lng n ma test patience nyo.m mga case nman kc n yung way ngpka mura is nka2 degrade ng pgkatao mo..

Saken kapag nagseselos sya. Sobra kase seloso e. Ayaw ko den ng ganon kaya sinasabe ko sya lang ang kaisa isang tao na ganon magsalita saken. Pinaparealize ko sa kanya yung mali nya at na d sya dapat ganon. Other than that sobrang ok naman sya na partner. Nakuha nya siguro yung pagmumura sa past relationships nya na niloloko sya. Ngayon naman di na sya ganon kahit papano. May maikling temper din kase sya at iniintindi ko nalang pag nagsasalita nan di maganda at pinaparealize ko talaga yung mali nya sa ganun.

VIP Member

Never naman mommy, maintindihin kasi si hubby ko po. Pero kung masabihan ka po siguro, masakit po. Kaya mas better mag usap kayo kapag kumalma na ang init ng ulo ni mister nyo po. Ipaliwanag nyo rin po side nyo na masakit sainyo yun para hindi na po sya umulit at maiwasan na dinpo nya. Makikisuyo at maglalambing na din po sana ako mommy. Pakivisit naman po yung profile ko po tapos pakiLIKE yung PHOTO ng family ko po. Thank you po🥰

Hnd po usually pag ng aaway kme "engot, tanga" snsbi namen sa isat isa, pero pag minura nya ako naku palalayasin ko sya dto s bhy kht dto pkme sa bhy ng magulang ko, (kme lng ngtatao dto wala kme ibang kasama..), kaso ayaw nya umalis dto pag masyado malala away namen😁 minsan kme ng mga bata papalipas ng sama ng loob dun kme sa mama ko ng ilang araw.. Solo lng ni H dto sa bhy..

VIP Member

Never naman po akong minura ng partner ko, alam nya kasing sensitive ako sa mga ganung salita pero ganun pa man may mga salita parin na masakit sa dibdib kahit hindi ako murahin. Kaya pagnasasaktan ako, sinasabihan ko sya ng "ang sama sama mo sakin! Bat ka ganyan? Hindi mo na ba ako love?" Ayun saka nya marerealize na may mali pala syang sinabi at saka sya hihinahon.

hindi po at hindi po tama un khit tayo ano mn kaslnan nila wala tayong karaptng mgmura sa iba. lack of respect un, dyan po ng uumpisa ang domestic violence so habng maaga pa better tell him na hindi tama gingwa nya, lahat nmn madadaan sa usapan ehh. kapag ngkagalit kmi di kmi ngkakaimikan lg then we make sure na di kmi mtutulog na galit sa isat isa. . .

VIP Member

Never pa po because sa start pa lang ng relationship sinabi ko na agad na ayoko na mumurahin ako, even my parents never ako minura so wala sya karapatan at all, lalo na kung wala naman ako ginawang masama. If ever gawin niya yun, I will talk to him pag kalmado na siya and let him know how I felt sa ginawa niya and that he must not do it again

Hindi pa naman and sana wag na umabot sa ganun yung mga away namin. Pero hindi talaga maiiwasan yun. If ever na mangyari man yun, just make sure na alam niyang hindi tama yung ginawa niya at hanggat maari iwasan nalang yung matinding confrontation. Pwede naman palipas muna.

Ako never! At sinabe ko sknya na pag minura mo ko hindi ko un mapapalampas. At pinarealize ko sa kanya na ang pagmumura sa partner ay katumbas ng ndi pag respeto sayo. Never din ako ng mura sa kanya, kelngan kung gxto mo xa pasundin, mgsisilbinka din role model.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles