Question

Question lang po, Sino na po dito ang nakapag pa rebond na kahit buntis na? Pwede pa po ba magpa rebond kahit 5 months preggy na? Thank you.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

WAG. NO WAY. wag momshie please grabe chemicals na pwede mapasa ky baby. alam ko kaya ka nagtatanong kse somehow alam mo na masama. pag feeling mo msama wagmo na gawin. gawin mo lahat ng gusto mo after mo manganak

Wag na kasi may tendency na malanghap mo ang chemical pumasok pa yan sa system mo at ma affect pa si bby. Saka na kapag naka 1 year na ang bby mo at hindi ka breastfeed. Tiis muna

Nag pa rebond po ako ng di ko alam na buntis pla ako. Sabi nila bawal daw yun kasi matapang yung chemical para sa baby. Pero okay naman po si baby ngayon sa awa ng diyos❤

VIP Member

Ok lang po since sa buhok lnag naman ilalagay ang kemikal pero maeexpose ka po sa kemikal na ginamit sa loob ng salon

VIP Member

No po tiis ganda muna mommy. Balik alindog program nalang pagka panganak mo na hehe.

Hindi po.. bawal po, wag po muna momsh.. tiis ganda po muna

Hindi pwede sis, dahil sa gamot ng rebond tiis muna

VIP Member

Tiis k muna.. Mgnda mg make over pg nkaraos na..

Sabi ng iba lalu na mga nakkatanda bawal daw po.

I think bawal po because of the chemical