NORMAL DELIVERY

Question lang po mga mommies, ask ko lang po ilang weeks po ba hindi puwede maligo after manganak?

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh yung OB ko in-advice niya ko maligo na after ko makalabas ng hospital. Pero kasi di ako kagad pinaligo ng mother in law ko pati na rin ni mama. Hehe. 3 weeks before ako pinayagan maligo. Pwede ka naman mag punas punas and wash your V. Pero wag mo muna babasain ulo mo. :) Mahirap lang niyan kasi mainit talaga sa ulo tsaka parang ang bilis pag pawisan. Kaya gawin mo na lang punasan mo din towel ulo mo. :)

Magbasa pa

1week lang samen cz..sa nkaugalian ng mother ko.. Basta ung unang ligo meron ng 9 na dahon tapos pakukuluan mo un papainit mo sa buong katawan mo ung usok nun un din ang ipangliligo mo..pero dapat nkaupo ka sa timba habang umuusok papasok ung init sa ilalim habang my kumot ka nkataklob aun...un ginawa saken unang Ligo ko.. After 1week

Magbasa pa

Kinakabahan na ko. Mukang buwan din aabutin ko bago maligo pagkapanganak. Masyado pa namang mapamahiin MIL ko HAHA pero nakabukod naman kami ng bahay ng hubby ko pero malamang pagkapanganak ko lagi na yun nandito sa bahay. wag lang sana kami palipatin sa bahay nila. yoko kasi makitira sa In Laws..

Yung mga pilipino na nasa ibang bansa at don sila nanganak winiwish nila na sana nandito nalang sila sa pinas, dahil pagka panganak mo palang don ay papaliguin kna. Wala namang masama maniwala aa pamahiin :) 1month na tiis di maligo, tas after 1month di parin buhay na tubig ang ipapaligo hehe

Susmaryaw grabe na nga po ang 1 week na di maligo lalo na sa akin grabe pawis ko.1 month pa kaya.1st baby ko non 3days plang ako di naliligo nilalangaw na ako sa baho hehehehhe kaya ika 4dyas naligo na ako puro dahon at maligamgam pa hehehhehe.

As per my ob kinabukasan lang pwede na maligo. As per oldies naman 10days ka bawal maligo because mabibinat ka daw then pag maliligo ka naman kailangan may mga dahon yung pampaligo mo.

Ako pinaligo nKo ni OB kinabukasan after ko manganak. Basta mabilis lang, running water. Pero pag may kasama kang mapamahiin, expect mo na, baka buwan bago kapa makaligo. 🤣

CS ako nung nanganak ako. after 4 days naligo na ako. kung nagkataon na nasa bahay ako ng inlaws ako that time baka 1month na di pa ako nakakaligo. Mapamahiin kasi mga inlaws ko.

VIP Member

Maligo na dapat agad as per OB lalo na magaalaga ka ng baby. Kailangan malinis tau mas lalo kung mag breastfeed. Ako pagkapanganak ko, naligo na agad ako kinabukasan 😊

After 24hours ng panganganak naligo na pi ako. Yun kasi sabi ng doctor. At sobrang init sa ospital namin. Yung pinapaligo ko maligamgam na tubig na may bayabas po.